MCG-25 She's back

933 20 0
                                    

Andrei's Pov

"Bakit pati kayo ay nandito?" sabulong na tanong ng ama ko sa amin nang makita kami ni Andrea.

"Hi papa!" masiglang bati ng kakambal ko at lumapit kay papa.

"So? Ama n'yo talaga siya?" tanong ni Tito.

"Unfortunately yes." sagot ko at umupo sa tabi ni Andrea. Nasa JAS resto kami, actually hotel ito. Dito ko dinala si Flaire noong unang date namin.

"Being sarcastic, huh?" tanong Papa pero hindi ko siya pinansin.

"Let's start. Kailangan pa naming hanapin si Rixie." formal sabi ni Tita kaya tumango si Papa. "First of all paano mo naexamine ang anak ko?" tanong agad ni tita kaya mabilis na napatingin sa akin si Papa.

"Dinala siya ni Jon-I mean Andrei sa Ospital namin. At first hindi alam ni Rixie ang dahilan kung bakit siya dinala ni Andrei doon, kaya naging madali lang." sabi ni Dad.

"Ikaw. Bakit mo dinala si Rixie dun?" tanong ni tita. Medyo halata ang pagkainis sa boses niya. Although, I don't know kung bakit siya maiinis sa ginawa ko.

"I want to prove something." seryosong sabi ko.

"Then what it is?" mataray na tanong ni tita.

"Na hindi siya baliw, na mali ang iniisip ninyo. Si Flaire kahit hindi niya sabihin, alam kong nasasaktan siya kapag may tumatawag sa kanyang baliw." sabi ko. Parang kumbinsido naman si tita sa sagot ko.

"Anong resulta?" tanong niya kay Papa.

"Base sa una kong examination, dun palang masasabi ko nang walang problema sa anak ninyo." sabi ni Dad. Napakunot-noo ako, akala ko ba kailangan pa ng mga records? Eh may result na pala. "Ayon sa records, traumatic experience plus matinding depression. Well, may be that's the reason why she suffered a breakdown." seryosong sabi ni Papa.

"You are saying that okay na ang anak ko? But how? Sinabi ni Rixie na two years ago itinigil niya ang pag-inom ng medicines niya." sabi ni tita, parang bigla namang napaisip si Papa.

Bakit ba parang ayaw maniwala ni tita na okay na si Flaire?

"Really? that means, by that time maaaring nakarecover na siya sa shock or trauma. If im not mistaken eight months after the Insident ay hindi na siya nagpupunta sa iyo Dr. Javier, right?" tanong ni Papa sa isa pang doctor.

"Yes, pero wala akong binanggit sa'yo about doon." sabi nang doctor.

"Kahit hindi mo sabihin. Nahalata ko sa records niya. Eight months na ayos ang records niya pero pagdating sa sumunod na records ay kulang kulang na." sabi ni Papa. Hangga na ko sa kanya, take note ngayon lang.

"T-that means okay na ang anak ko d-dati pa." nauutal na sabi ni Tita miles. Nagulat ako ng makitang may luhang gumuhit sa pisngi niya. I guess natauhan na si Tita

"Yes, mrs. Arzon." sagot ni Papa.

"All this time magaling na sya." sabi ni tita at tuluyang umiyak. Agad siyang inalo ni Tito. "Kami pala ang dahilan kung bakit siya nasasaktan. Dahil in the first place kami ang nagpapamukha sa kanyang may sakit siya. Hindi kami nakinig sa kanya." nanlulumong sabi ni tita kaya agad siyang niyakap ni tito.

"Ma, hindi lang naman ikaw ang may kasalanan, kasalanan ko din dapat pinakinggan natin siya." sabi ni tito.

"Pero saan natin siya hahanapin ngayon? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa kanya!" sabi ni tita.

"Walang mangyayari kung magsisisihan pa kayo. I can say na masyado lang kayong nag-alala para sa kanya. Ginawa n'yo lahat para maging okay siya pero hindi ninyo napansin na naging okay na siya. " sabi ni Papa. Tama si Pa. Kita ko namang mahal na mahal nila si Flaire. "By the way may mga events na hindi naaalala si Rixie. epekto yun ng gamot na iniinom niya dati." sabi ni Papa at tumayo. "I guess we're done. And I want to apologize na naka-abot pa kay mr. Ignacio Arzon ang nangyari." sabi ni Papa

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon