MCG-10 Bestfriend

1.2K 30 6
                                    

Andrei's Pov

Pinagmasdan ko lang siya habang natutulog ng mahimbing. Kanina lang ulit ako nakaramdamng matinding kaba, hindi ko alam kung bakit pero natakot ako lalo na nang makitang nasasaktan siya.

"Wala man lang bang may balak magsalita sa inyo?" tanong ni jasper, kanina pa kami dito pero hindi kami nag-uusap. Nandito pa rin si Gabriel at hinihintay na magising si Flaire.

"Kanina, bago kayo nagpunta ng gym masakit na ba ang ulo niya?" napatingin kaming lahat kay Gabriel dahil sa tanong niya.

Naalala ko ang naging reaksyon ni Flaire noong lapitan siya ni Gabriel. Parang takot na ewan pero noong niyakap siya nito ay parang naiiyak na siya.

"Hindi, Okay naman siya pero balisa noong makarating kami sa gym." sagot ni Jj.

"Siguro, dahil nakakita siya ng demonyong tulad mo kaya sumakit ulo niya." sabi ni Andrea. Agad namang tiningnan ng masama ni Gabriel ang kakambal ko. Naiinis ako noong tinawag niyang sira-ulo si Andrea.

"Walang nagtatanong sa'yo." naiiritang sabi ni Gabriel.

"Huwag nga kayong maingay." suway ko, baka magising si Flaire dahil sa bangayan nila.

"Captain, magkaibigan pala kayo ni Rixie?" tanong ni Jasper. Isa pa yan. Gusto kong malaman kung anong meron sa kanila.

"Oo nga, bakit gano'n ang reaksyon mo nang makita si Rixie? Parang matagal na kayo magkakilala." sabi ni kyunie

"Bakit gusto nyong malaman?" tanong niya.

"Dahil kaibigan niya kami." sagot ni L.

"Magkaibigan din kami." tipid na sagot ni Gabriel habang nakatingin kay Flaire.

"May nabanggit si Rixie kanina sa amin, ang sabi niya magkaibigan kayo dati at hindi kayo pwedeng magkita kasi galit ka sa kanya. Pero base sa nakita namin, hindi ka galit sa kanya." sabi ni Jj.

"I'm sorry, hanggang doon lang ang pwede kong sabihin. Masyadong pribado ang dahilan at ayoko ungkatin ang nakaraan dahil siya lang ang masasaktan." sabi ni Gabriel habang nakatingin kay Flaire.

Napatingin din ako kay Flaire. Ano ba ang meron sa nakaraan niya?

"Bro, bakit nga pala parang ang cold mo kanina?" tanong ni Andrea.

"Wala, badtrip lang ako kanina." sagot ko at tumingin kay Gabriel. "Next time, huwag mong tatawaging sira ulo ang kakambal ko." sabi ko.

"Yun ba talaga ang reason?" tanong ni Gabriel saka ngumisi. "I thought, nagseselos ka."

"Why would I?" tanong ko, pero nagkibit-balikat lang siya.

"Kasi type mo si Rixie?" biglang sabat ni Jasper, kaya tiningnan ko siya ng matalim.

Magtatanong pa sana si Gabriel pero natigil ng biglang may kumatok sa pinto. Napatingin kaming lahat sa nagbukas na babae.

"Hi, kayo ang mga kaibigan ni CG, di ba?" tanong babae.

"Oo, bakit? Sino ka?" tanong ni Kyunie.

"Lexi, Sa palagay ko kailangan ninyong marinig ito." sabi niya at inilabas ang phone niya.

Rixie's Pov

"Sapalagay n'yo. Anong oras siya gigising?"

"Hindi ko alam. Mukha ba kong tanungan kung kailan magigising ang isang tao?"

"Huwag kayong maingay."

"Hindi kami maingay kaya you shut up demonyo ka."

"Tigilan mo nga ang pagtawag sa akin ng demonyo! May pangalan ako."

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon