MCG-8 Friends

1.3K 29 6
                                    

Sinipat ko ang aking sarili sa repleksyon ko sa salamin. Wala na ang mga pantal sa mukha at katawan ko.

"Baliw, Tara na!" sigaw ni Ashley. "Inumin mo daw gamot sabi ni mom." Paalala niya, kaya mabilis akong napabalik sa banyo at kumuha ng gamot.

Matapos ang mga dapat gawin ay lumabas na ko. Habang pababa kami ng hagdan ay napansin kong ang pananahimik ni Ashley.

"May sakit ka?" tanong ko nang makasakay na kami sa kotse at nagda-drive na si dad.

"Sana nga magkasakit na lang ako." matamlay na sagot niya. Sinalat ko siya sa noo, pero hindi naman siya mainit.

"Pwede ba huwag mo nga akong hawakan, baka mahawa ako sa pagiging baliw mo!" reklamo niya at hinawi ang kamay ko. Confirm wala nga siyang sakit!

"Ashley!" Suway ni dad.

"What dad?" tanong ni Ashley at ngumiti.

"Stop calling her like that." sabi ni dad kaya mabilis na nawala ang ngiti niya.

"Pero yun ang totoo dad!" sabi ni ashley. Napayuko ako, bakit ba ganyan siya? Ang laki ng pinagbago ni Ashley, dati super close kami, pati nga si kuya kaclose din namin kahit malayo siya.

"I'm warning you, Ashley. Once na marinig ko ulit na tawagin mong baliw ang ate mo, I will get your credit cards at bahay-school ka na lang." sabi ni dad, kaya napatingin ako kay Ashley. Kitang kita ang gulat sa kanya.

"That's unfair! Kasalanan naman niya kung bakit siya nagkaganyan!" sigaw ni Ashley, inihinto ni Dad ang sasakyan at humarap kay Ashley. Hindi ko na pinagsalita si Dad.

"Dad, okay lang po, hayaan nyo na sya. Tara na po male-late na kami." Nakangiting sabi ko, pero deep inside ay ewan. Tama si Ashley kasalanan ko naman talaga ang lahat.

Nagdrive na ulit si Dad at hinatid kami sa kanya kanyang school namin, at wala ulit nagsalita sa amin.

Pagdating ko sa unang klase ko ay nakita ko si Andrea na nakabusangot. Halatang hindi maganda ang mood niya para siyang nababalutan ng itim na aura, kaya medyo dumistansya ko ng konti sa kanya.

"Hello, Rixie!"

"Ay itim!" Halos mapatalon ako sa gulat. Nilingon ko si Andrea at nakitang nakangiti na siya.

"Itim?" tanong niya, e? Mood swings?

"A-ha-ha wala yun, huwag mo na lang pansinin." sabi ko at umupo.

"Kumusta ka na? Wala ka na bang pantal?" tanong niya, hindi ako sumagot at tiningnan lang siya, para kasing nag-aalala siya sa akin. "Hobby mo ba ang pagtitig?" tanong niya. Umiling ako. Hobby? Sa pagkakaalala ko hindi naman.

"Hindi. Tumititig lang ako kapag may napansin kong kakaiba, o maganda." sagot ko

"Talaga? Meaning nagagandahan ka sa akin no?" Natatawang sabi niya, muli akong napailing.

"Hindi, kakaiba ka kasi." nakangiting sabi ko, bigla naman siyang napa-pout. Ang cute niya.

"Eh? Ang ouch naman no'n. Ang akala ko nagagandahan ka sa akin." sabi niya.

"Kambal kayo ni Andrei?" tanong ko, tumango naman siya. "Huwag kang gagalaw!" Biglang sabi ko saka inispeksyon ang mukha niya.

"Huh? Bakit?" tanong niya. Maputi siya tulad ni Andrei, matangos ang ilong. Pinkish ang manipis na labi at kulay dark gray din ang mata niya. Matambok ang pisngi niya lalo na kapag ngumingiti, pero hindi sila magkamukha! "May problema ba?" tanong niya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon