MCG-36 meet the TBG with a kiss

643 12 9
                                    

"Anong oras ba pupunta sa inyo?" tanong ko kay Jj. Birthday niya na ngayon.

"Bahala ka, hindi naman party yun kaya okay lang kahit anong oras ka pumunta." sabi niya at kinuha ang phone.

"Pupunta din ba ang Tbg?" tanong ni Andrea.

"Oo, lahat sila pupunta." sagot ni Kyunie at tumayo na.

"Ilan ba ang members ng tbg?" tanong ko. Wala pa rin kasi akong alam tungkol sa gang nila.

"24 lang." sagot ni Kyunie. Nagsimula na akong macurious sa gang nila.

"Matanong ko lang. Bakit may gang kayo?" tanong ko. Wala kasi sa itsura nila ang pagiging gangster.

"Actually, hindi naman talaga kami gang, isang samahan lang ang kami, pero dahil laging nasasali sa gulo ang mga members ay tinawag na kaming gangster." paliwanag ni Kyunie.

"Ano ang ibig sabihin ng tbg?" tanong ko.

"Thorn butterfly gang." sagot ni Jj.

"Bakit yun ang pangalan?" tanong ko.

"Ganito kasi yan. Parang si Kyunie lang yan. Mukhang butterfly tapos si Jj ang thorn as in tinik." paliwanag ni Andrea kaya napatango ako.

"Naniwala ka naman." sabi ni Jj sa akin at tinapik ako sa noo. "Isang bata ang nagbigay ng pangalan sa grupo namin. Ang sabi niya bagay sa amin yun. Inicompare niya kami sa isang thorn butterfly. Dahil magandang tingnan ang thorn butterfly, hindi aakalaing may tinik ito sa pakpak." Paliwanag ni Jj.

Marami pa silang sinabi at binalaan na rin nila ako na magulo ang tbg kaya dapat maghanda ako.

Nagpaalam na ko sa kanila dahil uuwi muna ako para magpalit at kunin ang regalo ko kay Jj.

"Susunduin ba kita iha?" tanong ni Mang arnel nang makarating kami sa tapat ng mansion nila Jj.

"Itetext na lang po kita." nakangiting sabi ko at bumaba na.

Sinalubong ako ng isa sa mga maid nila Jj. Habang naglalakad papasok ay kapansin pansin ang mga motorsiklo na nakapark sa garahe.

"Ma'am, nandoon po sila." sabi ng maid at tinuro ang kumpol ng mga tao.

"Salamat." sabi ko sa maid at naglakad patungo sa tinuro niya. Agad na napatingin sa akin ang mga tao at tumahimik.

Nakaramdam ako ng pagkailang dahil sa mga tingin nila. Hinanap ko sila Andrea pero wala sila.

May lumapit na lalaki sa akin at kapansin pansin ang pulang buhok niya. Matangkad at medyo tan ang kulay ng balat, napatingin ako sa mata niyang kitang kita ang pagkabrown.

"Whoa! ikaw si Miss Wanted." masiglang sabi niya. Miss wanted? "Mas maganda ka pala sa personal." nakangiting sabi niya. Lumapit na rin ang ibang lalaki sa amin.

"Miss, nawawala ka ba ulit?" tanong ng isang lalaking singkit na matangkad, at maputi. Napailing ako, Ang alam ko tamang bahay naman ang pinasukan ko.

"Hoy, mga panget, huwag niyo ngang tinatakot si Rixie!" napalingon kami sa sumigaw. Si Miguel.

"Halimaw late ka!" sabi ng may pulang buhok nang makalapit sa amin si Miguel.

"Anong late? Wala namang sinabing oras si number two." sabi ni Miguel at tumabi sa akin. "Layo ka sa kanila. Baka magwala na naman si Andrei pag nakita niyang pinapalibutan ka ng mga manyak." sabi niya sa akin at umakbay, iginiya niya ako palayo sa mga lalaki.

Nagtataka naman ako, kailan ba nagwala si Andrei?

"Manyak ka diyan. Mas mukha ka pang manyak sa amin." sabi ng isang lalaking may matangos na ilong, hindi katangkaran pero ang cute niya.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon