MCG-41 Broken

518 14 0
                                        

"Omg! What happened to ate?"

"Ashley, shut your mouth! Ma, kumusta na siya?"

Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko at puro puti ang nakita ko. Nanatili lang akong nakatingin sa puting kisame habang nag-uusap ang mga tao sa paligid ko.

Pinakiramdaman ko ang aking sarili, parang pagod na pagod ako, at mabigat ang katawan ko.

"Flaire, okay ka na ba? Anong nararamdaman mo?" napatingin ako sa gilid ko at nakita si Andrei. Bumangon ako, napadaing ako dahil sa biglang pagsakit ng paa ko. Napahawak din ako sa ulo ko ng maramdaman ng pagkahilo.

"Masakit ang ulo at paa ko. Nasaan ba ko?" Malamyang tanong ko at nagkusot ng mata.

"Nasa ospital ka anak. Nawalan ka ng malay kanina." paliwanag ni Mom kaya natigilan ako.

"Ang sama ng panaginip ko." sabi ko na lang. Sana talaga panaginip lang iyon.

"Ano bang napanaginipan mo?" tanong ni Andrea. Tumingin ako sa kanya at ngumiti ng mapait.

"Si Calix, nakita ko siya. Bumalik na daw siya. Ang saya ko na nga sana, e." nakangiting sabi ko ngunit agad iyong naglaho ng maalala ang sinabi ni Calix. Hindi ko maiwasang maluha. "P-pero ang sama. Grabe! Iyon na 'ata ang pinakamasamang bangungot na napanaginipan ko." sabi ko at pinunasan ang luha ko.

'Tama panaginip lang yun dahil kung totoo yun ay dapat nandito si Calix.'

Natigilan ako sa pagkukumbinsi sa sarili ko nang magsalita si Gabriel.

"Rixie, hindi 'yon panaginip. Si Calix ang nagdala sa'yo dito sa ospital." sabi niya. Mabilis akong napailing. Ayokong tanggapin na totoo ang sinabi niya pero alam ko rin sa sarili ko na hindi panaginip yun.

"What!? Did I hear it right? Buhay si kuya Calix?" gulat na tanong ni Ashley. Marahan akong tumango. "Kung buhay siya at bumalik na, bakit ka umiiyak diyan?" tanong ni Ashley kaya lalo lang akong napaiyak. Mabilis na lumapit si Andrea at niyakap ako para aluin.

"Hush... Huwag kang umiyak. Sige ka mamaga na naman ang mata mo." pagbibiro ni Andrea pero lalo lang akong humagulgol.

"A-andrea ang s-sakit... t-tatlong taon! Tatlong taon ko siyang hinintay pe-pero b-bakit g-ganun? P-pagbalik niya ay hindi niya na ako kilala." Hindi ko mapigil ang paghikbi. Napakalas si Andrea sa akin at gulat na tumingin.

"What? Hindi ka niya kilala?" naguguluhang tanong niya kaya marahan akong tumango.

"H-hindi niya ako kilala. Tinatanong niya kung sino ako." malungkot na sabi ko.

Hindi ko alam kung gaano katagal kami binalot ng katahimikan. Walang nagsasalita sa kanila habang ako ay iyak ng iyak hanggang sa kumalma na.

Nakatulala lang ako ng biglang pumasok sa isip ko ang isang ideya. Tama! Hindi niya ako maalala kaya ipapaalala ko sa kanya.

Akmang baba ako sa kama ay agad akong pinigilan ni E.A.

"Hey, Saan ka pupunta?" tanong niya.

"Pupuntaha ko si Calix, ipapaalala ko sa kanya kung sino ako." pursigidong sabi ko at hinawi si E.A at tumayo, ngunit si Dad naman ang pumigil sa akin.

"No. Wala kang pupuntahan. Stay here! Kailangan mong magpahinga at hindi pa okay ang paa mo." sabi ni Dad at binuhat ako pabalik sa kama.

"Dad, Okay lang naman ako. Wala na naman akong sakit at hindi naman masakit paa ko!" reklamo ko pero napadaing ako ng biglang makaramdam ng sakit sa paa ko.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon