"Rixie, bilisan mo kaya!" Sigaw ni Gabriel ang echo sa kwarto ko pagbukas niya ng pinto.
"Oo, nandiyan na! Hindi mo kailangang sumigaw, Gab!" Reklamo ko at tinali ang sintas ng sapatos ko.
Mabilis akong tumayo at tumakbo papunta sa pinto kung saan nakasandal si Gabriel. Sabay kaming bumaba, nagpaalam na rin ako kay dad na nagkakape habang pinapanood magluto si Mom.
Pagkalabas namin sa pinto ay sinalubong kami ng malamig na hangin dahilan upang mapayakap ako sa aking sarili. Hindi pa sumisikat ang araw pero kita na ang unti-unting pagliwanag ng langit. Napangiti ako. Ito ang paborito kong oras, ang oras na sumisikat ang araw.
"Game?" Tanong ng katabi ko kaya napalingon ako sa kanya at tumango.
Nagsimula na kaming mag-jogging. Hobby namin ito ni Gabriel tuwing umaga, ito rin kasi ang parang practice namin. Kasali ako sa track and feild habang si Gab ay sa basketball.
Makalipas ang kalahating minuto ng pagtakbo ay saglit kaming nagpahinga sa isang park. Inilibot ko ag tingin ko at nahinto sa isang lalaki na nakahiga sa isang bench.
'Nandoon ulit siya.'
Simula noong isang buwan ay lagi ko nang nakikita ang lalaking iyon na natutulog doon. Minsan iniisip ko na baka pulubi siya pero dahil sa malinis na puting t-shirt, jersey short at kulay itim na rubber shoes na mukhang mamahalin ay imposibleng pulubi siya. Siguro ay trip lang no'ng lalaki na do'n matulog.
Mabilis akong napakurap nang biglang gumalaw ang lalaki at alisin niya ang kanyang braso na nakatabing sa mukha niya kanina.
"Siya?" tanong ko habang nanlalaki ang mata sa gulat.
"Ano?" Tanong ni Gabriel kaya mabilis akong napalingon sa kanya at umiling. "Balik na tayo. May pasok ka pa mamaya." Sabi niya. Tumango ako at muling lumingon sa lalaki pero nanlaki muli ang mata ko nang makita na nakatingin siya sa akin habang nakangiti.
Mabilis akong nag-iwas tingin at tumakbo paalis. Bigla akong kinabahan sa hindi malamang dahilan.
"Hey, hintayin mo ko!" Sigaw ni Gab kaya binagalan ko ang pagtakbo. "Ano bang nangyayari sa'yo?" Tanong niya
"W-wala..."
--
Napangiti ako bigla dahil sa naaalala ko. Napatingin ako kay Calix na tahimik lang habang nakatingin sa labas.
"Ahem! Ma'am, Saan po kita ihahatid?" Tanong ng driver ni Calix.
"Kuya, pwede bang ihatid mo kami sa Cleofe Academy? Alam mo ba yun?" tanong ko pero imbis na sagutin ay tumingin siya kay Calix. Natahimik ako dahil parang na-etchapwera ako bigla.
"Follow what she said." utos ng katabi ko bago bumaling sa akin. "Don't mind him, nasanay kasi siya na ako lang ang pinag-dadrive." sabi niya, mabilis akong napangiti at tumango.
Tumagal ng halos kalahating oras ang biyahe dahil may kalayuan ang pinuntahan namin.
"Nandito na tayo!" Masiglang sabi ko nang tumigil ang sinasakyan namin sa tapat Cleofe Academy. Inilibot ni Calix ang tingin niya sa paligid bago bumaling sa akin.
"What are we doing here?" Tanong niya, Hindi ako sumagot, hinila ko siya palabas ng sasakyan at pumasok sa loob ng Academy. Hindi na ako hinarang ng guard dahil mukhang namukhaan niya ako.
--
"Hi Rixie."
"Good morning Miss Rixie!"
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...