MCG-12 Magandang Pulubi

1.2K 27 4
                                    

"RIXIE!!"

Bigla akong napabangon ng marinig ang sigaw ni mommy. Napatulala muna ko, dahil inaantok pa ko. Napatingin ako sa kanan ko at nakitang gising na din si love. Lumingon ako kaliwa, nakita ko si mommy at mukhang galit na galit. Humiga ulit ako at pumikit. Inaantok pa ko.

Pero muli akong napabangon ng tumahol si Love at marealize na nandito si mommy sa kwarto ko.

"Rixie! Bakit may aso sa kwarto mo!" sigaw ni mommy at bumahing ng bumahing. Patay ako nito.

"Ma, anong nangyayari bakit ka sumisigaw?" Tanong ng kapapasok lang na si Dad. Tumingin siya sa gilid ko at nanlaki ang mata. Lumapit siya kay mom at inabutan ng panyo. "Rixie, bakit may aso sa kwarto mo?" Tanong ni dad, I'm dead na dead.

Lumabas ng kwarto si mommy dahil bahing siya ng bahing. Kinuha ko si Love at niyakap.

"Rixie, are you out of your mind? Bakit nagdala ka ng aso dito sa bahay? Alam mong allergic ang mommy mo at si Ashley sa aso!" galit na sabi ni dad, hindi ako sumagot at yumuko lang. Naguguilty ko eh.

Tinawag na ni Dad si mang Arnel para kunin si love pero ayoko siyang ibigay.

"Dad, huwag natin itapon si love. Please!" pakiusap ko pero umiling lang siya.

"I'm sorry, pero hindi kita mapagbibigyan. Mang arnel, get that dog." utos ni Dad.

"Ayoko!" sigaw ko at dali-daling nagtatakbo pababa at lumalabas ng bahay.

Tumakbo lang ako ng tumakbo hanggang sa napagod ako. Tumingin ako sa paligid at nakitang nasa park pala ako. Ang layo ng narating ko.

Napangiwi ako ng maalala na hindi pa ako nakapagpalit ng damit, nakashort lang ako at white shirt, ni hindi pa ako nakapaghilamos at toothbrush. Ewww!

Ibinaba ko muna si Love, nagtatakbo naman siya sa damuhan. Umupo ako sa isang swing at tiningnan ang paa ko. Medyo masakit dahil nakayapak lang ako.

"Ano gagawin ko ngayon? Paano na si love?" tanong ko sa sarili ko.

"Ayoko naman siyang itapon." sabi at napabuntong hininga.

"Nakakaawa naman siya. Sino na mag-aalalaga sa kanya, magpapaligo, baka mamaya hindi pa mapakain ng maayos si love kapag may ibang nakuha sa kanya." litanya ko.

'Pero anong gagawin ko?'

Napasigaw na lang ako dahil sa sobrang frustration. Napatahimik ako ng mapansin na nakatingin sa akin ang ibang nasa park.

Pinanood ko na lang si love habang naglalaro sa damuhan, takbo siya ng takbo kung saan at saka pupunta sa akin. Hinayaan ko na lang siya kasi nagugutom na ko. Hindi naman ako makabili ng pagkain dahil wala akong dalang pera.

"Paano na tayo, love?" tanong ko kay love noong bumalik siya. Napangiti ako ng tumahol siya, parang naiintindihan niya ako.

Tumakbo ulit si love at napansin kong papunta siya sa isang lalake na may hawak na mamahaling camera. Hindi ko makita mukha niya dahil nakaharang ang camera sa mukha niya, pero parang pamilyar siya. At hindi naman sa assuming ako pero palagay ko ay pinipicturan niya ako?

"Mukhang ang laki ng problema mo." sabi ng lalake. Ang galing kaboses siya ni Andrei!

Dahang-dahang ibinaba ng lalake ang camera niya. Napasinghap ako ng makita ang mukha niya, hindi ko alam kung dahil sa gutom pero parang may kumikili sa tiyan ko.

"Andrei! Anong ginagawa mo dito?" tanong ko. Lumapit siya sa akin.

"Kumukuha lang ng mga shots. Tapos may isang maliit na nilalang ang nangugulo sa akin, kaya I decided na hanapin ang may-ari." sabi niya at umupo sa kabilang swing.

My Crazy GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon