Nagpatuloy lang ang program at nagdesisyon akong tumabi kay Andrea. Abala siya sa panonood ng mga naglalaro kaya kinalabit ko siya.
"I'm busy cannot be reach, tulog, umalis, hindi na babalik nagtampo." sabi niya kaya niyakap ko siya.
"Sorry na Andz." sabi ko. Hinarap niya ako at umiling.
"Hindi ako tumatanggap niyan. Cash ang kailangan ko." sabi niya at inilahad ang kamay. Kinapa ko ang bulsa ko pero hindi ko pala dala ang wallet ko.
"Aray!" daing ko nang may tumama sa batok ko.
"Ay baliw! magbibigay nga!" natatawang sabi niya pero biglang naging seryoso ang aura niya. "Rixie, anong nararamdaman mo?" tanong niya dahilan para matigilan ako. Ilang segundo bago ako nakasagot.
"Masakit." nakangiting sabi ko, pilit pinipigil ang pagluluha ng mata ko. "Pero okay lang ako." sabi ko.
"Hindi ka okay." sabi niya kaya nawala ang ngiti ko. "Nasasaktan ka meaning hindi ka pa okay. Magiging okay ka lang kapag nawala na ang sakit." sabi niya. Tumango ako dahil ayokong makipagtalo.
Ibinaling ko na lang ulit ang atensyon ko sa program kung saan nagbubunutan na para sa exchange gift. Sa isang sulok ng bahay ay maraming regalo bukod pa iyong nasa ilalim ng Christmas tree namin.
Dahil wala naman akong regalo ay mas pinili kong magpunta na lang sa garden at magpahangin. Medyo kulimlim ang langit dahil wala akong makitang stars.
Umupo ako sa duyan na naroon. Napayakap ako sa sarili ko nang umihip ang malamig na hangin pero agad ding nawala ang lamig ng may bumalot sa katawan ko. Napalingon ako at nakita si Dad.
"Merry Christmas, anak." nakangiting sabi niya, tinitigan ko lang siya dahil hindi ko siya masasagot ng merry. Tumikhim siya. "Pwede bang tabi tayo?" tanong niya. Hindi ako sumagot pero umusog ako para makaupo siya.
Binalot kami ng katahimikan. Hindi siya nagsasalita kaya mas pinili kong tumulala sa kawalan.
"Dad, I'm sorry."
"Sorry."
Napatingin ako sa kanya nang magkasabay kami sa pagsasalita. Ngumiti siya at niyakap ako. Hindi ko na naman napigilan ang pag-iyak. Pakiramdam ko ay sobrang tagal naming hindi nag-usap. Nagsisisi ako dahil pina-iral ko ang pagiging baliw ko at naapektuhan ang pamilya ko.
"Hush... 'wag kang umiyak. Paskong-pasko." sabi niya pero hindi ako tumigil at niyakap ko siyang mahigpit. Wala na ata akong ibang gagawin ngayong araw kundi umiyak.
"Masaya lang naman kasi ko." sabi ko kahit kabaliktaran naman ang nararamdan ko.
"Rixie,you don't have to pretend that you're happy." sabi niya at humiwalay sa akin pinunasan niya ang mga luha ko. "Kasalanan ko ang lahat. I'm sorry dapat noon pa lang hindi ko na hinayaan si Calix na mapalapit sa'yo." sabi niya, umiling ako.
"Wala kang kasalanan, Dad. Wala akong pinagsisihan noon. Gusto ko lang na matapos na. Hayaan mo na sila." sabi ko at huminga ng malalim. "D-dad, napapagod na ko. Ayoko na ng gulo." matamlay na sabi ko at sumandal sa duyan.
"Rixie, I have an offer." napatingin ako kay Dad. Base sa reaction niya parang no choice na siya kundi sabihin ang offer na yun.
Sinabi sa akin ni Dad ang offer niya at hindi ako nagdalawang isip na tumango.
**
Katulad ng mga nakakaraang pasko ay nagkulong lang ako sa kwarto ko. Wala sila Andrea dahil may family reunion daw sila. Gusto niya akong isama pero tumanggi ako. Sinubukan din akong tawagin ni mom para humarap sa mga bisita pero ayoko. Mas pinili kong matulog.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...