Pakiramdam ko ay may kung anong pumupukpok sa ulo ko kaya napa-ungot ako.
Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko at napahawak sa ulo ko na sobrang sakit. Bumangon ako at bigla akong nakaramdam na parang may bumabaliktad sa sikmura ko. Tumayo ako at mabilis na nagtungo sa banyo. Saktong pagpasok ko ay nagsuka ako at pakiramdam ko ay halos isuka ko na pati ang bituka ko.
"Rixie?"
Napalingon ako sa pinto at nakita si Andrea. Agad siyang lumapit sa akin at inalalayan ako. Naghilamos ako at nagmumog.
"Ang sakit ng ulo ko." sabi ko paglabas namin.
Inaya niya ako sa kusina at doon ko nakita si Andrei na nagluluto. Naiiling siya habang nakatingin sa akin. Parang may ginawa akong ayaw niya.
"Problema mo?" mataray na tanong ko. Muli siyang napa-iling at padabog na inilapag ang pagkain sa harap ko. Agad ko iyong inilayo sa akin dahil wala akong gana.
Masakit ang ulo ko at mas gusto kong humiga lang maghapon. Parang may kung anong humigop ng lakas ko dahil pagod na pagod ako kahit wala pa akong ginagawa.
"Kumain ka tapos inumin mo ito para mawala iyang hang over mo." sabi niya at inabot ang isang baso ng pulang juice.
Nagkatataka akong napatingin sa kanya. Paano niya nalaman? At ano nga pala ang nangyari? Wala ako masyadong maalala.
Tulad ng sinabi ni Andrei ay kumain ako at ininom ang bigay niya, medyo gumaan ang pakiramdam ko kaya inihatid na ako ni Andrea sa bahay namin.
Dumiretso agad ako sa kwarto ko at doon nagkulong maghapon. Wala akong gana at nanlalata pa rin ako. Pinupuntahan ako ni mom at ng mga kapatid ko pero wala akong kinausap sa kanila. Hindi na rin kami nag-uusap ni Dad simula noong nagkasagutan kami.
Napalingon ako sa phone ko ng bigla iyong mag-ring tiningnan ko kung sino ang caller at napabangon nang makita ang pangalan ni Sharizz.
Biglang bumalik sa akin ang alaala nang nangyari kahapon. Natagpuan ko na lang ang sarili kong umiiyak habang nakatingin sa phone ko. Hindi ko na sinagot ang tawag at hinayaan itong mag-ring hanggang sa tumigil.
**
"Rixie, naman. Tatlong araw ka nang ganyan." napalingon ako kay Andrea, kitang kita ang pag-aaalala sa mga mata niya.
Pumasok na ulit ako, pero lagi lang akong nakatulala sa labas. Sumasama lang ako sa kanila pero halos wala rin akong kinakausap.
Sa mga nagdaang araw kasi pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Ilang araw na ring tumatawag si Sharizz pero hindi ko sinasagot, ayokong madagdagan ang nararamdaman ko.
"Okay lang ako." sabi ko at ngumiti ng kaunti. Napabuntong hininga siya.
"Malapit na ang Christmas break. Anong plano mo?" pag-iiba niya sa usapan. Plano?
"Hindi ko alam." sabi ko at tumingin na lang ulit sa labas.
Natapos ang araw ko ng gano'n lang ang nangyari. Nakatulala lang ako sa labas, at kapag kinakausap nila ako ay tumatango o umiiling lang ako. Nawalan na ako ng gana sa lahat.
"Flaire..." napalingon ako sa likod at hinawi ang buhok kong nililipad ng hangin. Nasa rooftop ako at dito na tumambay matapos ang lahat ng klase ko. "Dito ka talaga nagpupunta kapag nag-eemote ka." nakangising sabi niya. Hindi ko siya masyadong nakikita nitong nakaraan. Ang alam ko ay abala siya sa mga babae niya.
Hindi ko siya pinansin at tumingin na lang sa malayo. Nitong nakakaraaan ay wala akong ibang ginawa kundi alalahanin ang nakaraan at sa pag-iisip ng mga bagay na gagawin ko. Pero kahit ilang araw na ang lumipas ay wala akong maisip at magmukmok na lang.
BINABASA MO ANG
My Crazy Girl
HumorSTATUS: COMPLETED Si Rixie Flaire Arzon isang sikat na estudyante sa kanilang unibersidad. Maganda, matalino, talented at anak ng isang mayamang negosyante, iyan ang mga katangiang meron siya pero hindi iyan ang dahilan kung bakit siya sikat. Sa t'...