This Heart Belongs To YOU - 11 (Long Day)

1K 65 20
                                    

💙 11

Chloe's POV

Kung pwede ko lang sigawan si Uncle Rex ngayon, ginawa ko na. Hiyang hiya na ako sa mga pinagsasasabi niya kay Ake. Grabe na rin ang init ng mukha ko ngayon, lalo na ng tanungin niya kung bakit hindi daw ako type ni Ake.

"Maiba tayo ng usapan, sasama sa amin ni Mama mo si Marvin pagbalik ng America Maven. Okay ka lang ba talaga ng mag-isa?" si Papa Gavin.

Muli ay nakaramdam ako ng kalungkutan ngunit agad kong isinantabi yun lalo na ng mapansin kong napatingin sa akin si Ake.

"Opo naman po. Wala naman na pong problema sa health ko Papa." nakangiting sabi ko. Pilit ngiting sana ay hindi nila mahalata. Ayokong magdalawang isip si Marvin sa plano nito dahil gusto kong maging masaya ito.

"Iha, are you sure?" bakas sa tinig ni Mama ang pag-aalala kaya naman matamis ko itong nginitian saka ako marahang tumango.

"I think I need this too Mama. Wala pong problema. If ever po na meron man, hindi ako magdadalawang isip na tawagan kayo. Saka nandito naman po si Uncle-- err, Kuya Rex." sabi ko dito.

Hanggang ngayon, hindi pa rin ako sanay na tawagin itong kuya Rex.

Nagtinginan si Mama at Papa ng sandaling iyon saka sila bumaling kay Marvin. Bakas sa mga mata ni Marvin ang pananabik na makita na ulit si Alexa, ang girlfriend nito. Napangiti nalag ako ng sandaling iyon saka ako sumubo ng kanin.

Bukod kay Marvin ay alam din nina Mama at Papa na may tao akong kailangan hanapin sa Drexel HS.

"Nahanap mo na ba siya?" pukaw sa akin ni Papa.

"Hindi pa po Pa. Hindi pa po kasi ako nakakapag-tanong tanong." sagot ko.

"Kapag nahanap mo na siya, sabihin mo agad sa amin ng masundo ka agad namin ha?" si Mama.

"Ha? Eh, balak ko po dito mag-college Mama." sagot ko dito.

"What?! I thought you just have to find that guy!" bulalas ni Marvin.

"Yeah, but I saw Drexel Academy University and it's quite nice." sagot ko dito saka ako bumaling kay Mama at Papa. "Di ba dun po kayo nag-college Ma, Pa?"

Nagtinginan sina Mama at Papa saka sila ngumiti sa isa't isa. Hula ko ay mukhang naalala nanaman nila ang love story nila.

"Here we go again.." bulong ko.

"Oo anak. Doon kami nagkasama ng Mama mo. Marami kami alaala sa DAU. Lalo na sa DADS (Drexel Academy's Dance Squad). Naalala ko pa noong sinayaw ko ang Mama niyo. Ang galing galing naming dalawa." kwento ni Papa.

"Member po kayo ng DADS? That's cool." bulalas ni Ake kaya napalingon kami sa kanya.

"It is.. Pakiramdam ko ay doon ako talaga nain-love sa Mama nila eh." si Papa.

"College sweethearts sila." dagdag ko kaya napalingon sa akin si Ake at ngumiti.

"Nice." sabi nito saka siya muling bumaling kina Mama at Papa. "Paano po kayong nagkakilala?"

"No!" sabay naming sabi ni Marvs.

Kapag ganitong may nagtanong kung paanong nagkakilala si Mama at si Papa ay wala ng makakapigil kay Papa para mag-kwento. Ilang ulit na kasi naming narinig iyon ni Marvin. Ang ganda ganda kasi ng love story nila.

(A/N: Girl Meets Love bida sina Papa Gavin at Mama Maddie! haha)

Gaya ng sinabi ko ay nagkwento na nga si Papa. Nung sinungitan siya ni Mama, nung hindi siya nagpaligaw kay Papa pero araw araw pa rin daw niyang nililigawan si Mama, yung pagpapakasal nila at kung ano ano pa.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now