Season 2 - 115

440 21 0
                                    

Chloe's POV

Pagbaba ko sa sala ay kaagad kong nakita si Air. Maaga raw itong pumunta sa bahay sabi ni Manang kanina nang gisingin niya ako.

"Chloe," sambit niya. Halos pabulong iyon ngunit sakto lang para marinig ko.

Nakita ko ang hindi makapaniwalang reaksyon ni Air. Parang nakakita ito ng multo dahil sa kalakihan ng mga mata niya at talaga namang ni hindi siya makagalaw sa kinatatayuan niya.

"Air, ang aga mo namang mambulabog," biro ko sa kanya saka ako naglakad papunta sa kinatatayuan niya.

"You're alive," sambit niyang muli. Sa pagkakataong ito ay makailang ulit siyang kumurap kurap. Nagulat na lang ako nang biglang mamuo ang luha sa kanyang mga mata at mag-unahang tumulo iyon. "Buhay ka Chloe," ulit niya saka niya ako niyakap. "Buhay ka.."

Niyakap ko siya pabalik saka ko hinimas himas ang likuran niya.

"Yeah.. Sorry for the wait," saad ko saka ko hinawakan ang braso niya at inilayo sa akin. "You look, bulky?" Puna ko sa kanya nang titigan siyang mabuti. Lumaki ang katawan niya at para bang mas lalo siyang kumisig. "Alaga ka ba ni Yel?" Biro ko kasabay na pinakiramdaman ang puso ko.

Wala na iyong dati kong reaksyon noon na ipinagtaka ko.

Yumuko si Air saka siya umiling. "Yeah.. Come to our wedding. I'm getting married. She's pregnant," sunod sunod na balita niya.

Napatakip ako sa bibig ko at napangiti.

"But Chloe," nag-angat ito ng ulo. "I thought you were dead. And she helped me moved on. Kung may nararamdaman ka pa sa akin, I'm so sorry."

Ha?! Sinong nagsabi sa kanya?!

Bahagya akong napakunot noo nang isipin ko kung sinong nagsabi nun. Ngunit agad ding nawala nang biglang hawakan ni Air ang baba ko at itaas iyon.

"Be Yel's maid of honor. Yun ang request niya," nakangiting sabi ni Air. Agad naman akong tumayo.

"Opo, future-husband-to be," nakangiting sabi ko sa kanya saka ko siya niyakap.

"You're getting married?!"

Sabay kaming napalingon sa may pintuan sa sala nang may magsalita roon. Si Aiden, kasama si Logan.

Nilingon ko si Air saka kami nagngitian. Nang ibaling ni Air ang paningin niya kina Aiden at Logan ay tumango tango si Air saka niya ako inakbayan. Bahagya naman akong natawa nang makita ang reaksyon nina Aiden at Logan. Parang ayaw nilang maniwala.

"Yeah. Mamaya ng hapon," nakangiting sagot ni Air sa kanila saka siya bumaling sa akin.

"Ang galing ah! Ready talaga agad agad?" Bulalas ko.

"Of course. Ikaw lang naman ang hinihintay ko," nakangiting sabi niya. "Yel is right. Na mali ang balitang wala ka na," aniya.

Tumango tango ako saka siya niyakap ulit. Masaya ako para kay Air at Yel. Nang humiwalay ako sa pagkakayakap kay Air ay nilingon ko sina Aiden at Logan na parang hindi mapakali dahil sa iwas tingin at yukong ginagawa nila.

"May problema ba?" Tanong ko.

"Ah wala. Oh yeah, here's your flowers." Inabot niya ang bulaklak sa akin saka siya umatras. "Ano, uhmn, may pupuntahan lang ako. Babalikan kita Chloe," nagmamadaling sabi ni Aiden.

"Wait," pigil ko sa dalawa. "Where's my hug? Minsan lang 'to." Biro ko. Agad namang sumilay ang ngiti sa labi nila Logan at Aiden saka sila lumapit sa akin at niyakap ako.

"We missed you so much Chloe," ani Logan.

"Ayiiie! Hehe." Tukso ko.

"C'mon Logan," ani Aiden kay Logan saka sila kumaway at nagpaalam nang lumabas.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang