This Heart Belongs To YOU - 62 (The Face)

585 29 3
                                    

💙 62

Faye's POV

Naaawa ako kay Eos. Nagulat ako nang bigla nalang siyang umiyak kahapon. Ramdam na ramdam mo iyong sakit na nararamdaman niya kaya naman wala sa sariling niyakap ko ito saka ako sumama pauwi sa kanya nung araw na iyon.

Naalala ko nanaman iyong nangyari at napagusapan namin kahapon.

Tahimik lang kami ni Eos habang tinatahak ang daan. Ilang sandali pa ay sa isang park tumigil ang kotse at doon ay mataman lang siyang tumitig sa kawalan. Hindi ko siya magawang kausapin. Ni ayaw kong magsalita na tila ba hawak niya ang sarili niyang mundo. Mundo na ayaw niya na munang ipasilip o ipagalaw man lang sa iba.

Pero siyempre, hello! I'm Faye!

"Kung mananahimik ka diyan, at hindi ako kakausapin, mapapanis laway mo." Panimula ko.

Balak ko sanang pang muli ngunit nilingon ako nito. Ang mga mata niyang kanina ay mamula mula galing sa pagiyak ay okay na ngayon. Mataman niya lang akong tinitigan na wari'y sinisipat sipat pa ang kabuuan ng mukha ko.

"Why? Paanong kamukhang kamukha mo siya? Please explain everything to me Faye.. Please.." Inalis nito ang seatbelt niya ang lumapit pang lalo sa akin dahilan para bahagya akong mapaatras.

"E-Eos.." Sambit ko saka ko inilagay ang palad ko sa dibdib nito para pigilan siya.

"Can I kiss you Faye?" Walang reaksyong tanong nito.

He's like 5 inches away from me. Mataman lang siyang nakatingin sa mga mata ko ng sandaling iyon na para bang naghahanap din ng sagot. Bigla akong kinabahan. Hindi ko magawang humindi dahil na rin siguro sa ekspresyon ng mga matang nakikita ko sa kanya ngayon. Puno iyon ng kalungkutan. Pangungulila. Sakit na minsan ay nakita ko na sa mga mata ko.

Ganoon niya ba kamahal iyong Amy?

Unti unting pang mas lumapit ang mukha nito sa mukha ko dahilan para mapapikit nalang ako. Ilang sandali pa ay isang malambot na bagay ang naramdaman ng labi ko.

He gave me a quick peck on my lips which made me feel shivers all over my body. Nang humiwalay siya ay siya namang dilat ko at laking gulat ko ng hindi pa rin lumalawak ang distansya ng mukha namin.

"Amy.." Sambit niya dahilan para matauhan ako. Itinulak ko siya palayo saka ako bumuntong hininga.

What just happened?! We did kiss right?! OMG!

"Eos.. I'm not her.. I'm not Amy.. I'm sorry.."

"No.. I'm sorry Faye." Bumuntong hininga ito at umayos ng upo sa driver's seat. "Tangna Faye! Ang sakit sakit talaga! Hanggang sa nawala siya, si Blake pa rin, si Blake lang. Ano bang meron siya na wala ako?" Nilingon niya ako. "Ano nga ba Faye? Di ba nagkagusto ka rin sa kanya?"

"Yeah.. Pero hindi tulad ng iniisip mo kung bakit ako nagkagusto sa kanya." Sumandal ako sa upuan at lumingon sa bintana. "Gusto ko ulit magmahal, pinili ko lang siya ng ganun ganun lang. Yeah, he's handsome and all, pero nakadagdag nalang siguro iyong pagkakayakap niya sa akin saka niya ako tinawag na, Amy, gaya mo noong una tayong magkakilala. I'm like, he loves her so much that my face reminds him of her. At iyong pagkakayakap niya, ramdam mo ang pagmamahal at sobrang pangungulila doon kay Amy." Paliwanag ko saka ko siya nilingon. "I'm like, I wanted to try. Malay mo mag-work out, but it didn't."

Isang mahabang katahimikan ang nagdaan sa pagitan namin ni Eos bago ako tumikhim at muling nagsimulang magsalita.

"I just want to feel that kind of thing again. It's been a long time.. I wanted to be loved and feel appreciated. Apparently, you guys are all over with this Amy, na feel na feel ko namang ako iyon." Bahagya akong tumawa. "But then Eos, I'm not her.." Hinawakan ko ang kamay niya. "Alam ko mahirap at alam ko masakit, but you have to move on. Let go of that feelings, or kahit bawasan mo lang. Huwag mong kimkimin. Sigurado akong mas magiging masaya para sa iyo si Amy kapag nakita ka niyang nakangiti at, nagmamahal ng iba."

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang