This Heart Belongs To YOU - 18 (The Fight)

826 66 12
                                    

💙 18

Riley's POV

Nasa kalagitnaan kami ng paghihintay kay Chloe ng masalubong namin sina Logan, Aiden at Blake. Ang totoo niyan ay may usapan kami nina Macey, Logan at Aiden na ipasyal ngayon si Chloe dahil napansin naming malungkot ito nitong mga nakaraang araw.

"Oh? Si Chloe?" si Logan.

"May idinaan lang sa locker niya. Ang tagal nga eh." si Macey.

"Tara, puntahan na natin." si Aiden.

"Sabi niya maghintay nalang daw kami dito." sagot ko.

"Ako na susundo." pukaw sa amin ni Blake kaya naman nagtinginan kaming apat at ngumiti ng nakakaloko.

Napapansin kasi naming masyado ng nagiging malapit ang dalawa. Lalo na si Blake kay Chloe. Madalas ay ito pa talaga ang naghahanap kay Chloe para puntahan ito.

"Tara na nga. Sundan na natin." yaya ko. Nagsitango nalang ito at sinundan nga namin si Blake.

"Riley.." si Aiden.

"Hmm?" sagot ko.

"Free ka ba bukas? Pwede ba tayong lumabas?" si Aiden.

Nilingon ko ito at matamang tinitigan. Hindi ko na talaga mapigilan ang sarili kong muling mapalapit kay Aiden pero nangako ako na hindi pupwedeng dalawa lang kaming magkasama. Ayoko ng maging higit pa ang meron kami ngayon kaya naman hangga't maaari ay iniiwasan kong magkasama kami ng dalawa lang.

Oo. Napatawad ko na siya, pero naaalala ko pa rin ang sakit na dinulot ni Aiden sa puso ko. At aaminin kong hanggang ngayon ay mahal ko pa rin siya.

"Kung kasama sila." sagot ko dito.

"Hmm. Sige." nakangiting sabi ni Aiden saka ito muling lumingon sa dinadaanan niya.

Pagkapasok namin sa hallway papunta sa may locker ay laking gulat naming lahat sa aming nakita. Apat na lalake laban kay Chloe. Gaya namin ay mataman ding napahinto rin si Blake sa nakita nito.

Mabilis ang galaw ni Chloe ng oras na iyon. Ang bawat tadyak at suntok na pinapakawalan nito ay sapul sa iba't ibang parte ng katawan nung mga lalake. Pagsipa niya ay siya ring pagtaas ng skirt niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko ng sandaling iyon. Laking pasasalamat ko nalang ng makitang may black cycling shorts ito sa loob. Namangha ako sa bawat galaw ni Chloe ng sandaling iyon. Ang galing niya sa pakikipaglaban at para bang bihasa ito. Para siyang lalake kung kumilos. Malayong malayo sa mabait na Chloe na nakilala namin.

She looks so damn cool!

Nang tumalikod si Chloe ay kitang kita ko ang pagkuha ng trash can ng isang lalake at balak pa ata nitong ihampas iyon kay Chloe. Dali dali akong tumakbo pero naunahan ako ni Blake at binigyan ng tadyak ang lalaking iyon. Ang ending, bagsak iyong lalake at ganoon din ang tatlong lalake na kaharap kanina ni Chloe. Itinuloy ko ang paglalakad ko ng sandaling iyon at dumiretso sa kanila. Hinigit ni Chloe ang kamay ng isang lalake at inilagay iyon sa may bandang likod.

"Sinong nag-utos sa inyo?" bakas sa tinig ni Chloe ang galit. Ang napaka-amo at gandang mukha ni Chloe ay biglang nagdilim.

"W-wala!" sigaw nung lalake kaya naman mas lalong idiniin ni Chloe ang pag-ikot doon. "Aw!! Ahh!!"

"Isang tanong isang sagot, kung ayaw niyong mabali tong kamay mo ngayon! Sino ang nag-utos sa iyo?!"

Bigla akong nakaramdam ng takot kay Chloe ng sandaling iyon. Merong pasa ito sa mukha, ngunit mas maraming natamong galos ang mga lalake. Bagay na parang imposibleng magawa ng isang babae.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang