This Heart Belongs To YOU - 57 (Memories)

628 28 9
                                    

Reminder: Please read the lyrics. Mostly ay laman nun ang gusto nilang sabihin sa isa't isa para mas maka-relate kayo. hehe

💙 57

Chloe's POV

Mula nang tawagan ako ni Ake nung isang gabi ay panay na ang palihim na tingin ko sa kanya at sa tuwing mahuhuli niya akong nakatingin ay siya namang iwas niya.

Para lang kaming mga tanga!

Nasa music room kami ngayon at pinag-uusapan kung sino raw ang pwedeng magperform sa gaganaping event sa katapusan ng buwan. Para raw iyon sa masquerade ball na gaganapin para sa mga first and second year students. Kumbaga, parang prom daw nila.

"Sir! Si Chloe po! Magaling kumanta iyan at mag-piano!" Sigaw ni Macey kaya nilingon ko ito at sinamaan ng tingin.

"Okay Miss Cavalier, ikaw na sa babae. Sa lalake naman, Mister Drexel, pwede bang ikaw ulit ang mag-perform kasama si Miss Cavalier?" Saad ng guro.

Napalingon ako ng sandaling iyon kay Ake. Actually, buong klase ata ay naghihintay ng sagot nito.

"Okay." Tugon niya kaya naman nanlaki ang mga mata ko.

Pumayag siya?

"Okay.. May ibibigay akong piece ngayon sa iyo Chloe, nakakabasa ka ba ng piano notes?" Tanong sa akin ni Sir.

Kung pwede lang akong mapa-face palm ngayon, ginawa ko na. Ang sarap lang barahin ni Sir.

"Nagpa-piano po ako Sir kaya alam ko naman ho." Pasimpleng sagot ko rito. Mukhang hindi niya naman nahimigan ang pagka-sarkastiko ko kaya naman napiling nalang ako.

"Okay. Miss Cavalier, Mister Drexel, doon kayo sa piano. Try this piece.." Sabi nito habang naka-abot na ang papel sa ere. Tumayo naman ako agad at kinuha iyon.

True Love by D.Cameron & J.Fisher

Basa ko sa title ng music sheet. Naglakad ako patungo sa kinalalagyan ng piano at naupo doon. Ilang sandali pa ay nakita ko na ring papalapit si Ake kaya bahagya akong nagbigay ng space para rito.

"Start.." Utos ni Sir kaya naman sinimulan ko ang pag-tipa ng sandaling iyon.

Nang madako ako sa nota na kakanta na si Ake ay nilingon ko ito at sinenyasan. Nilingon niya naman ang music sheet saka ito nagsimulang kumanta.

🎶..If I could do it all over, baby I'd do it different
Maybe I wouldn't be here, in this position..🎶 - Panimula ni Ake

🎶..I found you and I lost you, looking back is torture
And it hurts to know I let you go, you live right around the corner..🎶 - Pagpaptuloy ko.

🎶..And I could've had it all, could've had it all..🎶 - Sabay kaming dalawa.

🎶..True love, I know I had it
True love, was so hard to find
True love, If I could get it back, yeah
I'd never let it go this time..🎶

Sabay naming kinanta ang chorus hanggang sa natapos kami sa isang linya na paulit ulit naming sinambit.

🎶..I'd never let it go this time..🎶

Nang kantahin namin ang linyang iyon ni Ake ay nagtinginan kaming dalawa. Saka ko lang napagtanto na para bang tamang tama sa amin ang kanta.

Ha? Teka teka.. Hindi! I mean, ah basta!

Matapos ang pagtipa ko sa huling nota ay agad akong nagiwas ng tingin. Hindi ko na siya magawang titigan gaya ng dati. Napakalungkot ng mga mata niya na pati ako ay nalulungkot na rin ng sandaling iyon.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang