This Heart Belongs To YOU - 1 (The Girl Friends)

1.6K 86 65
                                    

A/N:
Grammatical mistakes are definitely noted. PM niyo ako sa lahat ng makikita niyong mali. haha

PS:
Mas makaka-relate po kayo sa story kapag nabasa niyo na ang Girl Meets Love. ^_^

-- kyLiiemichy

💙 1

Chloe's POV

First day of school palang ay nagkakagulo na sa gate ng makarating kami ni Marvin doon. Nagtinginan pa kaming dalawa ng makita namin ang nangyayaring stampede sa may gate. Puro kababaihan iyon na nagtitilian at nagbabangayan.

"What's wrong with them?" kunot noong tanong ni Marvin.

"I don't know." umiiling na sagot ko.

Upang makaiwas sa mga nagkakagulo sa gate ay doon kami sa guard nagpatulong na dumaan. Dalawa kasing gate iyon, ang pinaka-main gate at ang gate na meron kung nasaan ang guard.

"Sir, makikisuyo po sanang kung pwede ay dito kami dumaan?" tanong ko sa guard na nandoon.

Marahan kaming tinitigan ng guard at parang bang kinikilala kami.

"Bago po kayo?" tanong ng guard.

"Just let us in! Can't you see that we're wearing this school's uniform?!" singhal ni Marvin kaya naman binatukan ko siya.

"Will you stop that attitude of yours?! Imma smack you!" suway ko.

"You just did! Stupid!" singhal niya sa akin.

Hindi ko alam kung saan nagmana ang attitude nitong lalaking to. Isang minuto lang ang agwat namin sa isa't isa kaya naman minsan ay hindi ako ginagalang nito kahit pa ako ang mas matanda. Siyempre biro lang iyon, kambal kami.

"What?! Did you just--"

"Yes! I did! Stupid! Let's go!" kunot noong sabi nito saka niya hinila ang kamay ko papasok sa loob ng campus. Nang lingunin ko ang guard ay kakamot kamot nalang ito ng ulo.

Hinila ko ang kamay ko ng nakailang hakbang na kami kaya naman tumigil si Marvin sa harap ko.

"What now?!" singhal niya sa akin.

"Marvin, do you hate me that much?", kunwaring pagdadrama ko. Nagpa-sad face pa ako para naman maniwala ito.

Sa totoo lang ay sanay na ako sa ugali niya, pero sa tuwing gagawin ko ang ganitong pagmumukha ay siya namang amo ng mukha niya kapag tititigan na ako na hindi ko alam kung bakit nagbibigay iyon ng kasiyahan sa puso ko. Ang asarin, pikunin at pag-dramahan ito.

Hinawakan niya ang kamay ko at pinisil iyon.

"Sorry. I just don't like waking up so early." sabi nito.

"Are you really planning to speak in English the whole time Marvs?" kunot noong tanong ko.

"If they can't understand me, that's their problem, not mine." pa-cool na sabi nito.

"Tss. Cold blooded animal!" singhal ko saka ako tumawa kaya naman ngumisi nalang ito saka ako inakbayan. Mas matangkad na kasi ito sa akin kaya naman minsan ay naiinis ako kapag ganitong inaakbayan niya. "Get off of me!"

"No. Stop complaining and asking stupid questions. Start walking. And walk faster!" singhal niya.

Sa totoo lang ay maaga kami ngayon dahil daw kailangan naming dumaan ng principal's office. Yun ang bilin sa akin ni Mama at Papa bago pa silang pumasok ng opisina.

Matapos naming mag-ikot ikot kung saan saan sa may hallway ay sa wakas narating din namin ang Principal's Office.

"Come in." sabi ng babae na nandoon.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora