This Heart Belongs To YOU - 38 (Boracay 2)

722 44 6
                                    

💙 38

Chloe's POV

Nasa terrace ako ngayon ng kwarto na tutulugan ko kasama si Marvin na kanina pang nagku-kwento sa akin ng kung ano ano pero hindi ko siya pinapansin. Mataman lang akong nakamasid sa dagat ng sandaling iyon habang naka-suot ng sunglasses, two piece black bikini at nagsa-sunbathing.

Bakit dito at hindi sa dagat? Feel ko lang. Ayoko mag-sunbathe doon eh. Maraming magkakandarapa. Just kidding! hihi Trip ko lang.

Hindi pa rin maalis sa isipan ko ang nangyari kahapon sa pagitan namin nina Ake at Eos. Kung hindi nagsalita si Eos ng sandaling iyon ay baka hinalikan na talaga ako ni Ake.

Ang siraulong iyon! Magnanakaw pa ng halik! Tch!

"--then.. Sissy! Are you even listening to me?!" Pukaw sa akin ni Marvin habang pinapahiran ako ng sunblock lotion sa buong katawan.

"Yeah. Then what happened?" Sabi ko dito kahit hindi naman talaga pumapasok sa utak ko ang mga sinasabi niya. Ilang sandali pa ay pinagpatuloy nga nito ang kwento niya saka niya ako pinadapa para naman lagyan ng lotion ang back side ko.

Walang epekto sa akin ang araw kahit magbilad ako maghapon. Parehas kasing maputi sina Mama at Papa kaya naman namumula lang ako kapag nagbilad. Ganoon din si Marvin na feel na feel ding naka-speedos o swimming trunks lang ng sandaling iyon.

"Sis.. Sa America ka na mag-college. Please?" Rinig kong sabi ni Marvin.

"Pinag-iisipan ko pa. Saka alam mo naman na yung tungkol kay Ake di ba? Kailangang maging masaya siya bago ako lumayo sa tabi niya. Dapat makahanap muna siya ng babaeng mamahalin niya at magpapasaya sa kanya." Paliwanag ko dito.

"Speaking sis, hindi mo man lang type si Blake?"

"Crush ko siya pag naka-model mode siya." Pag-amin ko.

"Huh? Bakit parang hindi ka man lang kinilig ng sabihin mo yan? Samantalang noon kay-- err.. Never mind."

He's talking about my ex. I know that. Tss..

"Kinikilig lang ako kapag nagmo-model siya eh. He's sexy and so perfect sa tapat ng camera." Natatawang sabi ko para mabago ang mood ni Marvin. Sa lahat kasi ng nakapalibot sa akin noong oras na iniwan ako ng ex ko ay si Marvin ang pinaka-nagalit kay Tyler.

"Tch! What's new?! Eh alam ko namang gustong gusto mong nakakakita ng mga models coz you love taking pictures. At kapag nakakita ka ng mga models na perfect sa paningin mo ay kinikilig ka talaga. Pero Maven, ibang kilig ang ibig kong sabihin." Mahabang litanya ni Marvin na nakapag-panguso sa akin ng sandaling iyon.

Yes. I love photography. I love taking pictures. A lot. Specifically, human sexy figure bodies ng mga lalake. I just like touching them! Lalo na ang mga muscle and the lines! So perfect!

"Err, he's fine. At mukhang ganoon din naman siya sa akin." Sabi ko dito.

"What do you mean? Mas gwapo naman siya kay Tyler ah? Tch!" Aniya.

Oo naman. Mas gwapo talaga si Ake. Walang duda. Kaso, hmm, ayoko na muna kasi eh. Tama na muna yung simpleng crush lang. Simpleng kilig lang. Okay na muna ako sa ganoon. Tss..

Pero masaya ako kapag kasama si Ake at hindi ko maitatanggi iyon. Yung ngiting abot mata ang saya na tagos hanggang puso. Ganoon ang kilig!

"I do know that stupid." Singhal ko dito. "Can you stop asking those kind of questions. You sound like a gay." Natatawang sabi ko dito.

Actually, he's like Papa. Sobrang daldal. Sobrang makulit. Kapag kaharap naman ang girlfriend niyang si Alexa, puro siya pa-cool. Pero kapag dadalawa lang talaga sila ni Alexa ay sweet ang kambal kong ito. Madalas kasing naku-kwento ni Alexa ang mga ginagawa sa kanya ni Marvin.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Unde poveștirile trăiesc. Descoperă acum