This Heart Belongs To YOU - 50 (Blake & Amy)

595 27 5
                                    

Happy 7k views! Ayiie! Ang saya saya!
٩̋(๑˃́ꇴ˂̀๑) thanks po! ❤️

Blake's POV (14 years old)

Nasa garden kami ngayon nina Logan, Aiden at Amy sa tapat ng bahay. Hinihintay namin si Eos dahil babalik na ito galing ng America. Nagbakasyon kasi ito ngayong summer doon.

"Ang tagal naman niya.." Nakangusong sabi ni Amy kaya naman nilapitan ko ito at inakbayan.

"Nandito naman ako ah." Nakangiting sabi ko rito.

"Eh, mas gusto kong kalaro si Eos." Nakalabing sabi niya kaya naman nakaramdam ako ng inis.

"Huwag ipagpilitan kung ayaw sa iyo Blake!" Natatawang sabi ni Logan kaya sinamaan ko ito ng tingin saka siya hinabol dahil nagsimula itong tumakbo. Nang maabutan ko ito nagtulakan pa kami saka kami nagtawanan ng matapos.

"Ang gugulo niyo naman. Nakikita niyong may ginagawa ako rito!" Inis na sigaw ni Aiden. Inaayos nito ang mga airplane toys na collection niya.

Nagtinginan kami ni Logan saka kami ngumiti ng nakakaloko. Mukhang gets niya ang gusto kong gawin kay Aiden. Unti unit kaming lumapit kay Aiden at kinuha ang box ng mga eroplano niya. Itinakbo namin iyon kaya naman hinabol kami ni Aiden.

"Logan! Blake! Ano ba!" Kunot noong sabi niya habang patuloy kaming tumatakbo palayo rito.

"Haha! Habol! Ang weak mo naman!" Sigaw ni Logan.

"Ulul! Dalawa kayo! Mag-isa ako!" Sigaw ni Aiden kaya natawa nalang kami ni Logan.

"Eos!!!" Rinig kong sigaw ni Amy kaya nilingon ko ito at nakita si Eos na kararating lang at maraming dalang paper bags. Isa isa niya iyong inilapag sa mesa.

"Pasalubong guys.." Nakangiting sabi niya.

"Eos!" Sabay sabay naming sigaw nina Aiden at Logan.

"Aba! Namiss niyo talaga ako ah!" Tumatawang sabi ni Eos saka ito bumaling kay Amy. "Namiss mo ako my Boobear?" Nakangiting sabi niya kay Amy. Ngumiti naman si Amy at mabilis na tumango tango.

"Tch! Nagseselos na ako.." Bulong ko sa sarili.

"Guess what guys! Nakakita ako ng kamukhang kamukha ni Amy. As in sobrang hawig!" Nilingon niya si Amy. "Mas cute nga lang ang Boobear ko."

"Ako ang Boobear niya Eos! Huwag ka nga!" Singit ko saka ko niyakap si Amy. Niyakap din ako nito saka ito tumawa.

"Boobear ako ni Eos tapos si Blake naman ang Boobear ko." Nakangiting sabi ni Amy.

Napangiti ako nang sabihin iyon ni Amy at ganoon din si Eos. Nang magtinginan kami ni Eos ay tinanguan namin ang isa't isa. Sa totoo lang ay wala naman akong problema pagdating doon, kaso, mas gusto ko pa ring ako lang ang kasama ni Amy.

Importante para sa akin si Amy. Siya ang lagi kong pinupuntahan at kinakausap sa tuwing mag-aaway ang mga magulang ko at magkakagulo sa bahay. Nitong mga nakaraang buwan kasi ay madalas na nasa labas si Kuya, ang kapatid ko. High school na kasi ito kaya naman dumarami na rin ang barkada niya. Kapag nadaan nga ako ng school niya ay nakikita ko pa itong kasama ang girlfriend niya.

Girlfriend.. Ano kayang pakiramdam ng may girlfriend?

"Blake.." Tawag sa akin ni Amy kaya nilingon ko ito.

"Okay ka lang? Wala ka nanaman sa sarili eh.." Nag-aalalang tanong niya.

Paano ko bang ide-describe si Amy? Maganda siya. Ang ganda ganda niya. Maputi. Saka tahimik at mahinhin siya. Kaya naman maraming kaklase namin ang nagkakagusto sa kanya. Gaya ko at ni Eos.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora