This Heart Belongs To YOU - 43 (Boracay 7 - I Miss You)

708 38 5
                                    

💙 43

Chloe's POV

Kinabukasan ay pinuntahan ko sa kwarto sina Mama at Papa para makausap ang mga ito. Dala ang isang tray na pang-breakfast ay kumatok ako sa pinto gamit ang paa ko.

"Ma? Pa?" Tawag ko. Ilang segundo ang nakalipas ay bumungad sa akin ang naka-night gown na si Mama. Nagpupungas pungas pa ito ng mata ng tignan ako. "Good morning!" Masiglang bati ko.

"Chloe anak.. Bakit?" Walang reaksyon na tanong ni Mama saka siya tumingin sa dala kong tray.

Oo nga pala.. Mama needs chocolate to wake up ng bongga!

Kinuha ko ang chocolate bar na nasa tray at isinubo iyon kay Mama. Nginuya niya naman ito saka siya pumikit at nang buksan niya na ang mga mata niya ay nginitian niya ako.

"Good morning baby.." Bati niya saka kami nag-kiss sa lips.

"Morning Ma!" Bati ko ulit saka ko itinaas ang tray sa ere. "Breakfast in bed, would you mind to join me?" Alok ko.

"Sure iha.. Halika.. Pasok ka. Ikaw na manggising sa Papa mo." Nakangiting sabi ni Mama saka niya kinuha ang tray na dala ko.

Naglakad naman ako papunta sa kama at nakitang mahimbing pang natutulog si Papa. Unti unti akong lumapit dito saka ako tumalon talon sa kama.

"Papa!!! Good morning! Ohayo gozaimasu! Bonjour! Annyeonghaseyo! Magandang umaga Papâ!" Tumatalong sabi ko. Nakita ko namang unti unti itong nagdilat ng mata kaya naman umupo ako at binigyan siya ng halik sa pisngi. "Bangon na Papa! Nagluto ako ng breakfast natin.." Nakangiting sabi ko dito. Ngumiti naman si Papa saka ito nag-inat at umupo.

"Ang aga aga, ang ingay mo anak.." Natatawang sabi ni Papa. "Ano bang niluto mo?"

"Pritong itlog. Pritong hotdog. Pritong bacon. Pritong tocino. Pritong longganisa. Pritong sinangag na kanin. Pritong hindi ko malaman kung prito bang matatawag Papa. hihi Mahal niyo naman po ako kaya kakainin natin iyan." Nakangiting sabi ko dito sabay turo sa mga pritong sinabi ko.

"Anak may nakalimutan kang sabihin.." Si Mama.

"Ano po iyon Ma?"

"Pritong sunog.." Biro ni Mama kaya ngumuso ako. Si Mama talaga, ang hilig mang-asar!

"Mama naman po! Bad.." Reklamo ko. Nagtawanan naman silang dalawa ni Papa kaya naman tumawa na rin ako. Hindi naman siya sunog talaga, konti lang. Toasted ba!

"Si Marvin? Nasaan?" Si Papa.

"Si Alexa ang pinili niyang kasama mag-breakfast nung ayain ko eh." Sagot ko sabay sandok ng pagkain.

"Sus.. Magbe-break din sila.." Si Papa.

"Hala Papa.. Bad!" Natatawang sabi ko.

"Si Lexis ba naman tatay eh. Siguradong ligawin iyong batang iyon." Si Papa.

"Ses. Idagdag pa kamong si Summer ang nanay.. Nahiya naman ako sa ex mo Papa." Nakangising sabi ni Mama kay Papa.

"Hoy! Mas babaero naman iyang Lexis na ex mo ano!" Kunot noong singhal ni Papa kay Mama kaya naman napailing nalang ako.

Ito mahirap kapag mga may past kayo tapos hanggang ngayon kaibigan pa rin eh. Oh well..

"Mabait si Alexa Ma, Pa.." Pagtatanggol ko sa best friend ko. "Ang hindi ko sure ay yung si Eos." Tumango tango naman ang parents ko dahil ngumunguya na ang mga ito.

Ilang sandali ang lumipas ay tahimik na kumain lang kaming tatlo. Minsan ay napapangiti nalang ako sa inaasta nina Mama at Papa. Nagsusubuan kasi ang mga ito habang ako naman ay inuunahan ang isa sa kanilang isubo iyon. Sa huli ay tatawa nalang kaming tatlo saka ako kukurutin ni Papa sa pisngi.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora