Season 2 - 111

428 26 3
                                    

Chloe's POV

"Who said I stopped?"

Nagpaulit-ulit sa isip ko ang mga salitang iyon na binitawan ni Blake kanina.

Anong ibig niyang sabihin?! Juiceco! Ano ba 'to! Saka bakit gan'to ako kaapektado? 'Di ba si Air ang gusto ko?

Gusto mo siya? Pero mahal mo ba?

Naibato ko ang unan sa dingding ng maliit kong kwarto. Hindi ako pinapatulog ng pesteng nakangting mukha ni Blake kanina nang tanungin ko siya kung mahal niya ako. Naguguluhan na ako. Nakakainis! Ang bilis-bilis pa rin ng tibok ng puso ko!

Tumayo ako at kinuha ang unan na 'yon saka ako humigang muli. Pinilit kong matulog. Pinilit ko!

"Ayyy!" Rinig kong bulalas ni Nay Ces. Kakalabas ko lang kasi ng kwarto. "Anong nangyari sa'yo iha? Sinaniban ka ba ng maligno kagabi? Nangingitim ang ilalim ng mga mata mo!"

Walang lakas akong napabuntong hininga saka umiling. Hindi ako nakatulog. As in!

"Hindi lang po ako nakatulog," sagot ko kay Nay Ces saka ako dumiretso ng banyo.

Nang makapagalis ako ng damit ay lulugo lugo akong itinaas ang tabo saka iyon ibinuhos sa ulo ko.

"Ahhh!!!!" Sigaw ko.

Peste! Ang lamig!

Pakiramdam ko ay nagising ata ang lahat ng lamang loob ko.

Napalingon ako sa pinto nang may marinig akong kumatok doon.

"Chloe? Chloe are you okay?" Boses ni Blake

Napalunok ako at agad na sumandal sa pinto. Mamaya kasi ay bigla na naman siyang pumasok.

"Yeah. I'm okay," sigaw ko.

"Damn it! Huwag kang sisigaw ng gano'n! Tch!" Rinig kong inis na sabi niya saka ko narinig ang yabag niya palayo.

Napailing ako at huminga ng malalim. Tinadyakan ko pa ang drum na may lamang tubig dahil sa katangahang ginawa ko.

Kasalanan mo 'yong tubig ka! Eish!

Matapos kong maligo ay dumiretso ako ng kusina ngunit laking gulat ko nang si Blake lang ang makita ko roon. Inilibot ko sa kubo ang paningin ko at napansing tahimik doon.

"Kung hinahanap mo sila Nay Ces, lumabas sila."

Nilingon ko si Blake nang magsalita siya. Kumakain ito ng breakfast. Pritong itlog, pritong isda at fried rice ang nandoon.

"Sit and eat. May pupuntahan tayo after mo kumain," aniya.

Sinunod ko naman siya. Umupo ako sa harap nito at sinimulang magsandok ng pagkain.

"Saan tayo pupunta?" Tanong ko. Hindi ko na siya inabalang lingunin.

"Magugustuhan mo 'yon. Kumain ka na," aniya.

Pasimple akong nagnakaw ng tingin sa kanya at agad ding bumawi nang makitang nakatingin siya sa akin habang ngumunguya.

Psh!

Matapos naming kumain, gaya ng sabi ni Blake ay lumabas kami. Ilang minuto na kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa dalampasigan ng dagat. May malaking tipak ng bato roon.

Parang nakita ko na ang scenery na 'to ah?

"Hey. Come up here," tawag sa akin ni Blake. Nasa itaas na siya ng malaking tipak na bato na iyon. May malaking puno roon na nagsisilbing akyatan at silong na rin.

Habang paakyat ako ay iniabot niya ang kamay niya para alalayan ako sa pag-akyat. Nang mahila niya ako paitaas ay pinaupo niya ako sa tabi niya. Nakasandal kami sa branch ng puno.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora