This Heart Belongs To YOU - 67 (We'll Try)

637 33 7
                                    

Blake's POV

Kapag minamalas ka nga naman ng timing. Biglang bumuhos ang napakalakas na ulan kanina habang nasa field kami ni Chloe kaya naman pareho kaming basang basa nang makapasok sa building namin. Buti nalang pareho kaming may dalang PE uniform.

Pagpasok namin ng klase ay tampulan kami ng tukso roon. Lahat sila ay sinamaan ko ng tingin dahilan para matigilan ang mga ito. Pagkaupo ko sa upuan ko ay sinalubong ako ng nakakalokong ngiti nina Aiden at Logan.

"Couple PE uniform na ba iyan?" Nakangising tanong ni Logan. Kumunot naman ang noo ko saka napailing.

"Basted ata bro. Tigilan muna natin." Tumatawang sabi ni Aiden kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis.

Mas malala pa sa basted ang nararamdaman ko! Friendzone?! Damn it! Bakit ba ayaw niyang magtiwala na hindi magbabago paningin ko sa kanya?! Tch!

Hindi ko maiwasang makaramdam ng panlulumo. Ang sabi ni Chloe kanina ay importante na ako sa kanya at ayaw niyang magbago ang meron kami, kaso, shit lang! Ayoko talagang makita na maraming mga matang madalas ay tumitingin sa kanya! Tulad nalang nung event ng gabing iyon bago kami magkahiwalay, hindi lang isang lalake ang may balak na lumapit sa kanya, marami! Marami iyon! Nakakaasar! Isa pa iyong si Ace! Halatang nagkagusto rin kay Chloe!

"-I'm not afraid to take the consequences, but loosing you is what I'm afraid of. I don't want that to happen."

Naalala ko iyong sinabi niyang iyon dahilan para mapailing ako. Ano iyon?! Araw araw akong maasar kaseselos?! Oo! Nagseselos ako! Damn it! Ang hirap naman ng ganito oh!

"Unless you wanna try.."

Iyon ang huling litanya ni Chloe kanina bago tuluyang bumuhos ng malakas ang ulan. Hindi ako nakasagot. Kung iisipin kong mabuti ay may punto si Chloe. Kapag naghiwalay kami ay hindi namin sigurado kung babalik nga ang meron kami. Kaso gusto kong subukan. Paano kapag okay pala kami? Okay naman kami kahit walang relasyon, nga lang, hindi ko siya matawag na akin!

I know. I'm being selfish, but can you blame me? I really like her.. I think. Ito iyong pakiramdam na ayaw ko ng umalis siya sa tabi ko. Gusto ko kami nalang lagi ang magkasama. Ako at siya lang. Walang iba. Walang extra! Gusto ko ako lang.

"Unless you just want to try.."

Try? Anong ibig niyang sabihing try? Like a month or week? Ta-try naming magkaroon ng relasyon? Ang labo naman oh. Ayoko ng try! Gusto ko totoo!

Lumingon ako sa likod ko at nakitang matamang nakatingin sa harap si Chloe. Dumating na kasi ang teacher namin kanikanina lang. Nang mapansin niyang nakatingin ako sa kanya ay ngumiti ito.

Iyan. Iyang ngiting iyan! Gusto ko ako lang ang dahilan ng mga ngiting iyan!

"Bakit?" Mahinang tanong niya.

"What do you mean by trying?" Walang alinlangang tanong ko. Yumukod naman siya saka siya nangalumbaba sa desk niya.

"We'll talk later Ake. Nasa klase tayo." Bulong nito saka siya umayos ng upo. Nang mapansin niyang hindi pa rin ako gumagalaw ay bahagyang tumawa ito saka siya ngumiti. "Date tayo. Treat ko." Sabi nito saka niya ako kinindatan.

She's so cute..

Napangiti ako bago ako tuluyang lumingon muli sa harapan. Iiling iling akong nakangiti habang inaalala ang pagkindat nito.

"So class, can I have your own opinions when it comes to love?" Tanong ng guro namin. Values education kasi ang tinuturo nito kaya ganoon ang tanong niya.

Gamit ang daliri ko ay napahawak ako sa aking bibig habang nakapangalumbaba.

"Anyone?" Tanong muli ng guro saka niya inilibot ang paningin niya. "How about you Mr. Drexel?" Sabi nito nang mahuli niyang mataman akong nakatingin sa kanya.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang