This Heart Belongs To YOU - 30 (Library)

711 46 10
                                    

💙 30

Chloe's POV

Biyernes. Pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Required lahat ng students na dumalo sa nasabing kaganapan.

Magkakasama kami ngayon nina Riley, Macey, Logan at Aiden. Si Ake naman ay abala pa rin sa pagaasikaso sa backstage.

Sinimulan ang pagdiriwang sa pag-awit ng Lupang Hinirang na sinundan ng panunumpa ng watapat at pagdarasal. Nang matapos kami doon ay dumiretso kami sa assembly hall kung saan uumpisahan ang mga nasabing performance na itatanghal ng iba't ibang piling students galing sa iba't ibang year levels. May sumayaw, dumula, kumanta at ang huling kaganapan ay ang Binibini at Ginoong Wika. Nagga-gandahan at nagga-gwapuhan ang mga kasali sa patimpalak na iyon suot ang iba't ibang uri ng barong at saya.

"Sis, bakit hindi kayo sumali?" tanong ko kina Macey at Riley. Pinaggitnaan nila ako habang sina Aiden at Logan naman ay sa kanilang dalawa nakatabi.

"Hindi daw pwede kapag models eh." si Macey. Tumango tango nalang ako.

Nasa kalagitnaan ng question and answer portion nang ma-bored ako kaya naman nagpaalam ako sa mga ito na sa library muna ako at mag-text nalang sila kapag natapos na.

Ilang sandali lang ay dumiretso nga ako ng library. Ako lang ata ang tao doon ng sandaling iyon. Pumunta ako sa dati kong pwesto kung saan ako madalas. Kung saan ako laging nahahanap ni Ake.

May super powers siguro iyon? Or ilong aso? Alam na alam kung nasaan ako! haha

Binuksan ko ang iPad ko at nag-browse sa wattpad ng bagong mababasa. Nang may mapili ako ay umayos na ako ng upo at nag-relax. Makalipas ng 30 minutes ay napalingon ako sa kanan ko ng may marinig akong may yabag at tawanan. Isang lalake at isang babae.

"Baby.. Keep it down.. You're too loud." Ani ng lalake.

"Baby naman eh.. Masyado mo naman akong ini-excite eh." Ani ng babae.

Maya maya lang ay may narinig na akong ungol at nakakadiring habol hininga.

Dang!!! Akala ko sa states lang yan!! Gosh!!

Natuon ang pansin ko doon kaya ibinaba ko ang iPad ko at bahagyang liminga linga sa paligid. Alam kong malapit lakg sila dahil mula sa kinauupuan ko ay papalakas ng papalakas ang ungol.

Grabe! Buti walang nabubuntis dito? Gosh!

"Talaga namang pinakikinggan mo ah.."

Muntik na akong mapasigaw ng may bumulong sa tenga ko. Agad nitong tinakpan ang bunganga ko ng sandaling iyon.

"Huwag kang sisigaw.." si Ake. Tinanggal nito ang kamay niya ng tumango ako. Humiga ito sa hita ko ng sandaling iyon. Gaya ng dati ay pumikit ito.

Halatang pagod ito at halata ring walang tulog. Medyo halata na kasi ang eyebags niya at idagdag pang ilang beses siyang huminga ng malalim.

"Tapos ka na sa ginagawa mo?" tanong ko dito at tumango naman ito.

"Ahhh!!! Faster baby!" Malakas na daing ng babae.

Hindi ko mapigilang mapailing at mapa-buntong hininga ng sandaling iyon. Nandidiri ako.

Paano nilang nagagawa iyon sa library?! Eiw!!

Napapikit ako ng sandaling iyon habang nakakunot noo. Ilang sandali lang ay may naramdaman akong naglagay ng earphone sa tenga ko kaya dumilat ako.

"It'll help." sabi ni Ake saka ito pumikit muli.

"Okay ka lang ba?" tanong ko dito saka ko hinaplos ang buhok niya at minasahe na rin ang ulo niya.

"Yeah.." sagot nito.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora