This Heart Belongs To YOU - 68 (Sweetness)

563 28 7
                                    

Blake's POV

Mangiti ngiti ako nang makauwi ako sa bahay. Pagbukas ko ng pinto ay unti unting nawala ang ngiti na iyon nang makita ko si Dad. Nang maisarado ko ang pinto ay bahagya akong napayuko.

"Good evening Dad." Bati ko rito.

"Madalas ka atang gabihin? Ang sabi ng Mom mo madalas ka raw sa bahay ng mga Cavalier." Aniya.

"Yes Dad."

"Are you courting their daughter?"

Napaangat ako ng ulo ng sandaling iyon. Mataman lang na nakatingin si Dad sa akin habang nakalagay ang mga kamay nito sa kanyang bulsa. He's wearing a black suit at mukang hindi pa ito nagbibihis.

Kailan ko ba huling natitigan ng ganito kalapit si Dad? Ang natatandaan ko ay noong bata pa ako. Noong mga panahong kasama ko pa si Amy. Iyong mga panahon na hindi pa ako ilag sa kanya at kahit papaano ay mas magkasundo kami kesa kay Mom.

"Yes Dad." Walang reaksyong sagot ko. Ilang sandali pa ay unti unting sumilay ang ngiti sa labi ni Dad na ikinagulat ko.

"Do you like her?" Nakangiting tanong nito. Ngiting napakatagal ng panahon na hindi ko nakikita. Ngiti na minsan ay kinailangan ko noong mga panahong kailangan ko siya. Sila ni Kuya.

"I do Dad." Sagot ko.

Naglakad ito papalapit sa akin saka niya hinawakan ang ulo ko at bahagyang ginulo iyon.

"Do you wanna talk about it son?"

Unti unting sumilay ang ngiti ko nang mabakasang sinsero si Dad. I know my Dad. Siya iyong tipong hindi masalita at kung magsalita man ay direct to the point kapag nasa opisina, at kapag ganitong sinsero siya ay iba ang dating ng boses niya.

"Sure Dad." Nakangiting sabi ko. Inakbayan naman ako nito at naglakad kami papunta ng garden.

I've waited for so long for this to happen. Hindi ko maitago ang kasiyahang nararamdaman ko nang simulan kong magkwento kay Dad tungkol kay Chloe. Mataman lang na nakatingin sa akin si Dad, ngingiti ngiti at tatango minsan bilang pag-sangayon.

"You're happy son?" Tanong niya.

"Yes Dad. I am." Agad na sagot ko.

Na mas lalo akong naging masaya nang makausap kayo Dad..

"Can I meet her?" Tanong niyang muli.

"Of course Dad."

Inilagay ni Dad ang kamay niya sa balikat ko saka ito bumuntong hininga. Sa isang bench kung saan kaming nakaupo ay nabalot kami ng katahimikan.

"Galit ka ba sa akin anak?" Basag ni Dad sa katahimikan.

Bahagya akong natigilan ng sandaling iyon. Kung sasagutin ko ng totoo ang tanong na iyon ay masasabi kong, hindi ako galit kay Dad. He's always doing his best in everything. Ang panatiliing buo ang pamilyang ito na dapat ay matagal nang nawasak dahil nga sa hindi naman nagmamahalan ang mga magulang ko. Ang pagpapalago ng business na madalas niyang ipagkatiwala sa akin kahit pa sa mura kong edad. I know how hard it is. Lalo na at hindi naman siya tinutulungan ni Mama. Ni sa party nga ay hindi man lang siya sinasamahan ni Mom para man lang bigyan ng suporta. Ginagawa ni Dad lahat ng mag-isa, kaya naman ang pagtulong ko sa kompanya ay wala kumapara sa ginagawa ni Dad.

I know he's lonely. Hindi man niya ipakita iyon ay ramdam ko, dahil kung may pagkakaparehas man kami ay iyon 'yon. Ngunit sa ngayon ay kasama ko na si Chloe, may Chloe na ako, but what about my Dad?

"No Dad. I understand you." Seryosong sabi ko kay Dad. "Ikaw nalang ang natitirang kasundo ko sa pamilyang ito Dad. Ikaw nalang."

Ngumiti si Dad saka siya bumuntong hininga.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang