Season 2 - 90 (He's Mine)

390 19 6
                                    

Chloe's POV

"Huwag kang magbibiro ng ganyan Chloe! Hindi nakakatuwa!" Asik sa akin ni Ake nang makalayo siya.

Tama ako. Sabi na eh, magiging ganito siya. Pero natatakot na ako eh. Paano kung hindi ko nga matupad ang Endlessly na meron kami? Paano kung iyong Endlessly na iyon ay hanggang, End lang pala?

Hanggang ngayon ay mabilis pa rin ang tibok ng puso ko na pilit kong pinakakalma. Kanina sa library ay biglang nanikip iyon at panandaliang hindi tumibok. Doon ako nakaramdam ng takot. Kung hindi ko pa sinuntok ang dibdib ko ay wala na ako ngayon. Wala na ako ngayon sa tabi ni Ake.

Ngunit mali. Mali itong ginagawa ko. Hindi. Ayokong makipaghiwalay kay Ake. Kaso mukhang magiging selfish naman ako kapag nangyaring hindi ko siya pinakawalan.

"Chloe. . . Ano bang problema? Bakit ka nagkakaganyan?"

Imbis na galit ang makita ko sa mga mata ni Ake ay nandoon ang pagaalala at pagtataka. Para bang pilit niya akong iniintidi ng sandaling iyon. Hindi ko maiwasang mapaiyak muli. Ayoko siyang iwan. Ayoko.

Lumapit ako sa kanya at muling niyakap siya.

"Sorry Ake. Sorry. I didn't mean to say that. Sorry," sinserong sabi ko. Niyakap niya ako ng napakahigpit saka niya ako hinalikan sa ulo ko.

"Bakit parang napakadali namang sabihin mo 'yon out of nowhere Chloe? May problema ba? Tell me. Makikinig ako. Pangako makikinig ako," madamdaming sabi nito na tila naman humaplos sa puso ko.

Kanina nang nasa kwarto siya ay akala ko nasa panaginip ako. Masaya kami at walang problema. Sana ganoon na lang. Ayoko na ng reality. Masyadong masakit ng reyalidad na isinasampal sa akin ngayon. Reyalidad na walang kasiguraduhan sa mga bagay na pupwedeng mangyari.

Na hindi na muna siguro kailangang malaman ni Ake. Tama ng ako na muna. Kami ng pamilya ko. Ayoko na muna siyang idamay.

"Sorry. Ano," suminghot ako, "Meron kasi ako. Nagloloko ang hormones ko. Gusto nga kitang awayin ngayon eh. Tapos lalambingin mo ako," pagsisinungaling ko.

Naramdaman kong hinawakan ni Ake ang braso ko saka niya ako inilayo papalayo sa kanya. Mataman niyang tinitigan ang mga mata ko na para bang hinahanap ang sagot doon. Agad akong yumuko.

"Meron kang ano?" Rinig kong tanong niya kaya naman bigla naman akong nakaramdam ng hiya. Ano ba naman kasi 'yan! Ba't 'yon pa ang naisip kong aliby!

"Ake naman. Ano. . . 'Yong ano," nahihiyang sabi ko. Pakiramdam ko ay umakyat na ang lahat ng dugo ko sa mukha ko ng sandaling iyon.

"Wait. . . You're on your period?" Bulalas niya.

Hinampas ko nga sa braso!

"Gusto mo'ng megaphone? Maka-sigaw lang?" Hawak pisngi kong sabi sa kanya. Ilang sandali pa ay bigla itong napaupo sa sahig. Hawak ang ulo niya ay ipinilig niya iyon ng ilang ulit saka buntunghiningang tumingala sa'kin.

"Chloe naman! Nanggagago ka ba?! Damn it! Don't be like that! Dahil lang sa moody ka ay idadamay mo ang relasyong meron tayo?! What the heck is wrong with you?!" Mahabang litanya nito na animo'y inis na inis sa akin ng sandaling iyon.

"Sorry," sambit ko para hindi na kami mag-away pa.

"Kayo talagang mga babae! Hindi ko kayo maintindihan!" Inis na sabi niya.

"Kami?" Ulit ko.

"Oo kayo!" Mahinang asik niya saka siya tumayo. "Pati iyong si Janeen, araw arawin ba naman akong buwisitin!" Sabi nito habang mahigpit na tikom ang kanyang mga kamo.

Janeen? Paanong napasok si Janeen sa usapan?

"Araw-araw na lang nangiinis! Kung hindi lang talaga siya babae sinapak ko na siya! Seriously! What's wrong with that girl?!" Pagpapatuloy niya.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Where stories live. Discover now