This Heart Belongs To YOU - 22 (Truth or Dare)

865 56 12
                                    

💙 22

Chloe's POV

"Yey! Tapos na exam!! Waaah!!!" sigaw ni Macey ng matapos naming lahat ang huling exam ng araw na iyon.

Madalas na akong tanungin nina Riley at Macey sa kalagayan ko. Napapansin daw nila kasi ang pangangayayat ko ng walang dahilan. Lagi ko nalang silang sinasagot na malalaman niyo rin sa tamang panahon saka nila ako ngingitian at yayakapin.

Ayon kay Doc Carlo, wala namang problema sa kalagayan ng puso ko ngayon. Kailangan ko lang daw ng mas matinding exercise at pagkain ng marami at naaayon sa tamang oras. Nitong nakalipas na buwan kasi ay madalas akong mag-skip ng breakfast, lunch pati na ang dinner. Nasabi ko na kay doc Carlo iyon at ipinaliwanag nga niya sa akin na hindi daw pupwede iyon. Kaya naman ngayon, hangga't maaari ay kumakain ako ng snacks. Nakarating na rin kasi kina Mama at Papa ang balita kaya naman nagaalala nanaman ang mga ito. Iyon ang pinakaayaw kong mangyari. Kaya mas gugustuhin ko ng kumain ng kumain kapag may libre akong oras kesa bigyan ng problema ang mga magulang ko.

"Oh, kumakain ka nanaman? Kain ka ng kain, hindi ka naman nananaba." si Ake.

"Ganoon daw kapag sexy." biro ko. Kununutan niya naman ako ng noo saka ito umiling.

PMS nanaman yung lalaking yun! Tsk!

Ang totoo ay nagja-jogging din ako sa umaga. Bilin din iyon ni Doc Carlo. Kaya siguro hindi rin ako tabain.

"Tara sa Karaoke bar guys." yaya ni Riley.

"Sama kami!" si Aiden.

Matapos pagplanuhan ang gagawin ng araw na iyon ay dumiretso nga kami sa Karaoke bar. Pagdating namin doon ay marami ring students ang nagsisi-punatahan ng sandaling iyon.

"Uy! Ang popogi nila oh!"
"Hala! Ang gwapo nung naka-earphone!"
"Gwapo rin yung nakataas ang buhok!"
"Ang pogi nung naka-clean cut!"
"Gwapo silang tatlo! Ano ba!!"

Bulungan nung mga babaeng nakasalubong namin. Naka-earphone si Ake ng sandaling iyon. Ang nakatayong buhok naman ay si Logan. Naka-clean cut naman si Aiden.

"Pare pare! Mga chix oh!"
"Ang ganda nung dalawang naka-headband na may malaking ribbon."
"Mas maganda yung simple pare oh."

Bulungan ng mga lalake.

"Kailan pa naging chismoso ang nga lalake?" tanong ko kina Macey at Riley. Naka-higit kasi ang mga braso nila sa braso ko ng sandaling iyon.

"Kabaklaan?" biro ni Macey.

"Hayaan mo na. Hanggang tingin lang naman sila." nakangising sabi ni Riley.

Nang makarating kami sa loob ng karaoke room ay medyo dim light doon. Siyempre, what do you expect? Magkatabi sina Riley at Aiden, then sina Logan at Macey. Nakaka-out of place naman kaming dalawa ni Ake.

Habang nasa kalagitnaan ako ng pagmumuni muni ay may naramdaman akong humiga sa hita ko ng sandaling iyon. Pagtingin ko ay si Ake. Naka-earphones pa rin ito at tila walang paki-elam sa paligid. Inalis ko ang nasa isang tenga niya at binulungan iyon. Nagsimula na kasing kumanta sina Macey at Riley. Infairness, ang ganda ng mga boses ng mga ito. Ganoon na din si Logan at Aiden.

"What do you think you're doing Mister Drexel?" bulong ko dito. Unti unti naman itong dumilat at hinaplos ang mukha ko. "Hoy! Para kang timang. Nananaginip ka ba ng gising?" kunot noong tanong ko.

"Yep. Bangungot." nakangising sabi niya kaya naman pinisil ko ang ilong nito. Ang tangos kasi. "Aw! Chloe! Aw!" daing nito habang tinatapik ang kamay kong nakapisil sa ilong niya. Nang pakawalan ko iyon ay mamula mula pa ito.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang