This Heart Belongs To YOU - 54 (Altered Solicitude)

638 32 6
                                    

💙 54

Third Person's POV

Ang himbing na himbing sa tulog na si Chloe ay humihikbi pa rin sa di malamang dahilan. Nananaginip ang dalaga. Isang masamang panaginip na wari'y gusto niyang takasan.

Ang mundo na wala si Blake.

Dalawang oras nang tulog si Chloe habang sina Macey at Riley naman ay bumalik na rin sa classroom ng mga ito. Samantala, si Blake naman ay hindi mapakali sa kanyan upuan ng sandaling iyon. Gusto niyang puntahan si Chloe at silipin man lang ito.

Chloe.. I'm so sorry..

Napapikit si Blake ng oras na iyon. Wala sa sarili ay napatayo siya kaya naman lahat ng kaklase niya ay napatingin sa kanya ganoon na rin sina Aiden, Logan, Macey at Riley.

Naglakad siya palabas ng classroom. Hindi naman na nag-abalang magtanong ang guro dahil kapag ganoon ang istudyante, ibig sabihin ay magbabanyo ito.

Patuloy lang sa paglalakad si Blake ng sandaling iyon hanggang sa dinala siya ng kanyang mga mata sa clinic. Pagbukas niya ng pinto, as usual, wala doon ang nurse. Nang maisarado niya ang pinto ay ini-lock niya iyon.

Hinawi niya ang kurtina na nakaharang sa kama na kinahihigaan ni Chloe saka niya iyon inihawi ulit para iharang. Humiga siya sa kama at pilit na isiniksik ang katawan sa dalaga.

"Hmm.." Ungol ni Chloe nang iangat ni Blake ang ulo nito at ihiga sa braso niya.

"Mantika ka pa rin kung matulog talaga.." Nakangiting bulong ni Blake sa tulog na dalaga.

Unti unti niyang iniyakap ang braso nito sa katawan ng dalaga at hinigit iyon papalapit sa kanya. Napapikit siya nang sa wakas ay mayakap niya na si Chloe. Kagat ang labi niya ay hinalikan nito ang buhok ni Chloe.

"Miss na miss na kita Chloe.. Hindi ko alam kung bakit, pero nasasaktan ako sa tuwing nakikita kitang ganito." Bulong ni Blake sa dalaga.

Muli ay hinigpitan niya ang pagkakayakap dito.

"Ake.." Ungol ng dalaga. Nang tignan ni Blake ang mukha ni Chloe ay may pumatak na luha sa mga mata nitong nakapikit. "Ake...." Tawag muli ng dalaga sa binata.

Pinunasan ni Blake ang luhang iyon sa mga mata ni Chloe. Nang gawin niya iyon ay hindi niya mapigilang magalit sa sarili. Unti unti niyang iniangat ang mukha ni Chloe at dinampian ito ng halik sa noo.

"Chloe..." Bulong niya rito. "If only I could stop time & live in this moment forever so that I would never lose sight of your face. The comfort of your touch, or the taste of your kiss.. I miss it so much that it's killing me inside Chloe.." Hinalikan niya ang labi ng dalaga. "If only I could have you by my side.. Like this.."

Sa kabilang banda ay nasa isang panaginip si Chloe. Katabi si Blake sa park kung saan sila nag-picnic ay mataman niya itong tinitigan.

"Ake.. I love--"

"Sshhh.. Just kiss me.." Nakangiting saad ni Blake sa kanya. Ngumiti naman si Chloe saka ito unti unting lumapit sa mukha ni Blake. Hinimas himas muna ni Chloe ang labi ni Blake saka iyon dinampian ng halik kasabay ng pagpikit ng kanyang mga mata. "Chloe.. I love you.." Saad ni Blake matapos siyang halikan ng dalaga. Muli ay hinalikan niya lang ito saka niya niyakap ang binata.

"Kung panaginip ito, please don't wake me up Ake.. I'm begging you.." Saad ni Chloe. Nang sambitin niya iyon sa binata ay siya ring bagsak ng luha sa kanyang mga mata. "Please stay.. Please.. Don't go.. Never let me go Ake.." Pakiusap niya.

Napansin ni Blake na nananaginip si Chloe tungkol sa kanya. She's mumbling words that he can't understand. Ilang sandali pa ay nakita niya nanaman ang pagtulo ng luha sa mga mata ng dalaga.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Место, где живут истории. Откройте их для себя