This Heart Belongs To YOU - 23 (My Friend)

769 54 6
                                    

💙 23

Blake's POV

Naguluhan ako sa sinabi ni Chloe kanikanina lang. Nang lumabas ito kanina para sagutin ang tawag niya ay natahimik kaming lahat. Ni isa sa amin ay walang umimik. Malamang siguro'y lahat kami ay iniisip ngayon ang sinabi ni Chloe.

"Anong ibig sabihin ni Chloe sis?" tanong ni Macey kay Riley.

"Hindi ko alam. Linawin nalang natin kapag naka-usap na natin siya. Ang dami ko pang gustong itanong. Naguguluhan na ako." si Riley.

"Mukhang nahihirapan din si Chloe na magsabi sa inyo. Mukhang hindi lang basta bastang problema iyon." si Aiden.

"Oo nga. May iba eh. Nakita niyo yung expression ng mukha niya? Nakakapanibago." si Logan.

Nakinig lang ako sa mga usapan nila ng sandaling iyon. Mukhang lahat sila ay apektado sa binitawang salita ni Chloe.

Hindi sa kanya ang puso niya? Paanong nangyari iyon? At sinong lalake ang hinahanap niya?

Hawak ang nose bridge ko ay napabuntong hininga ako. Tumayo ako at nagpaalam sa mga itong susundan ko si Chloe.

Pagkalabas ko ng karaoke room ay nakita ko si Chloe na nakayakap sa tuhod nito na nakaupo sa sahig at narinig ko rin ang paghikbi niya. Dali dali akong lumapit dito at hinawakan ang ulo nito.

"Hey.. Chloe.." pukaw ko dito.

Unti unti niyang iniangat ang mukha niya at nakita ko nga ang luhaang mukha nito. Dali dali kong kinuha ang panyo na nasa vest ko ng sandaling iyon at ipinunas iyon sa kanyang mukha.

"What happened? Tell me.." nagaalalang sabi ko dito.

Sa loob ng ilang buwan na nagkasama kami ay napalapit na ako kay Chloe. Hindi ko itatangging kaibigan na ang turing ko dito. Kaya naman ang makita siyang ganito ngayon ay tila may kung anong lungkot akong naramdaman.

"Ake.." sambit nito saka niya ako niyakap sa leeg ko, "Ake.." tawag nito habang patuloy siya sa kanyang pag-iyak. Pahigpit din ng pahigpit ang yakap nito sa akin kaya naman niyakap ko na rin ito at inalo.

"Chloe.. What happened? Please tell me.." bulong ko dito.

"I need to go home.. Nandoon sina Papa." rinig kong sabi nito.

"Then why are you crying? Di ba namimiss mo na sila?" tanong ko dito habang hinahaplos ang buhok nito.

"Ake, come with me. Please?"

Nang sabihin niya iyon ay bahagya ko siyang inilayo saka ko hinawakan ang kamay nito. She's trembling.

"Okay okay. I'll come with you. Wait me here. Magpapaalam lang ako sa loob." sabi ko dito. Nang tatayo na sana ako ay hinila niya ang isang kamay ko dahilan para lingunin ko ito.

"Huwag mo munang banggitin kina Macey at Riley to ha?" sabi nito kaya naman tinguan ko siya.

Pagbalik ko ng karaoke room ay tahimik pa rin ang apat.

"Si Chloe?" si Riley.

"Nauna na. Emergency daw. Ihahatid ko lang tong bag." sabi ko sa kanila ngunit agad din akong nagbalik tingin ng makitang tumayo na din sila. "At nga pala, pinapasabi ni Chloe na mag-date daw muna kayo. Sagot niya na daw ang bayad dito kaya sulitin niyo na. Bye." pagsisinungaling ko saka ako dali daling lumabas.

Hawak ang bag ni Chloe at bag ko ay inalalayan kong makatayo ito. Hawak ko ang dalawang balikat nito habang naglalakad kami. Pareho kaming walang imik ng sandaling iyon habang ako ay pinakikiramdaman lang ang bawat galaw ni Chloe. Hindi dala ni Chloe ang kotse nito ng sandaling iyon dahil sumabay siya kaninang umaga sa akin. Parehas kasi kaming dumaan muna ng library bago mag-umpisa ang klase kanina. Pagka-sakay namin ng kotse ay mataman lang na nakatingin si Chloe sa bintana.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora