This Heart Belongs To YOU - 56 (Weak)

652 30 3
                                    

💙 56

Chloe's POV

Tatlong linggo na ang nakalipas ngunit hindi ko pa rin nakikitang nakangiti si Ake.

May problema ba sila?

Patuloy pa rin ang pag-iwas ko rito. Ilang beses man kaming magkasalubong ay pareho kaming iiwas sa isa't isa saka magbibigay daan. Ni wala na ring reaksyon ang mukha nito kapag nasusulyapan ko siya. May mga sandali mang magtama ang paningin namin ay sabay pa kaming babawi ng tingin.

Hindi ko ini-expect na ganito ang mangyayari sa amin. Dati rati naman ay halos walang magpatalo sa aming dalawa sa tuwing magtititigan kami.

At sa tuwing gagawin niya iyon ay lagi akong nakakaradam ng kirot sa puso ko.

Ang sakit lang!

Pinipilit kong maging okay. Araw araw ay ginagawa kong busy ang sarili ko. Work out sa gym, sa pagsu-swimming, sa pagaaral ng iba pang self defense, sa pagbabasa, lahat na ata ginawa ko na para lang makalimot kahit na sandali lang.

Isang linggo ang hiningi ko ngunit bigo ako nang wala akong nakitang masaya na Ake kasama si Faye.

Tammy.. Sign ba 'to na hindi muna ako pwedeng umalis?

Napabuntong hininga ako ng sandaling iyon.

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa building nina Faye para makausap ito. Papalapit palang ako sa may hallway ay may narinig na akong malakas na tawanan. Laking gulat ko nang mapansin kung sino ang mga tumatawang iyon na nakaupo sa may hagdanan.

Sina Faye at Eos. Mukhang nagkakasiyahan ang dalawa. Kunot noo akong dirediretsong naglakad patungo sa kanila.

"Ehem!!" Basag ko sa tawanan ng dalawa. Sabay naman silang napalingon sa akin ng may ngiti si labi.

"Hi Chloe!" Nakangiting bati sa akin ni Eos. "Miss mo na ako? Hinanap mo pa talaga ako ah.."

"Juicecolored! Nasalo na ata ng lalaking ito ang lahat ng banat at pick up lines na nakakapagpa-inis sa akin!" Bulalas ni Faye na nakataas pa ang dalawang kamay sa ere, dahilan para matawa ako at ganoon na rin si Eos. "Baby babe!" Nakangiting baling sa akin ni Faye saka ito tumayo at yumakap sa akin.

"Sad to say Eos.. Si Faye ang pinunta ko rito." Baling ko kay Eos na ngayon ay nakatayo na sa harap namin ni Faye. Inakbayan ko si Faye saka ko ito hinalikan sa pisngi. Humagikgik naman ito saka yumakap sa bewang ko.

"Pati ba naman sa harap ni Faye ay basted na ako sa iyo Chloe? Ang saklap naman! Ni hindi mo pa nga ako pinapayagang manligaw.." Nakalabing sabi ni Eos.

Ang cute na ang gwapo talaga ng lalakeng ito! Psh!

Bahagya akong natawa sa reaksyon ni Eos. "Ang arte mo Eos.. Nakakabakla.." Biro ko.

"Chloe.. Huwag mong tinatawag na bakla ang isang lalake kung ayaw mo magpahalik." Seryosong sabi nito saka siya lumapit sa akin saka ako hinapit sa bewang nito papalapit sa kanya. "Unless you wanted to." Bulong niya sa tenga ko. Para naman akong nakaramdam ng pananayo ng balahibo dahil sa ginawa niya kaya napakunot ako ng noo.

"Hoy! Tigilan mo si Chloe ah! Ang harot harot mo talaga!" Suway ni Faye sabay hampas sa braso ni Eos dahilan para bitawan ako nito.

"Don't tell me nagseselos ka Faye? Nako! Tsk tsk! Bad iyan.. Boyfriend mo na si Blake.." Tumatawang sabi ni Eos.

Natigilan naman ako ng ilang segundo nang banggitin ni Eos ang pangalan ni Ake ngunit agad ko rin akong bumalik sa reyalidad. Mahirap ng mapansin ako nina Eos at Faye.

"Ang kapal mo talaga ano?! Pinaglihi ka ba sa hollow blocks?! Makapal na nga! Kasing tigas pa nun yang mukha mo!" Singhal ni Faye kay Eos na ikinagulat ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora