Season 2 - 114

426 25 3
                                    

Chloe's POV

Nakasanayan ko nang makatabi sa kama si Blake.

At nakasanayan ko na rin na lagi siyang sinisipa pabagsak ng kama dahil lagi na lang siyang nakayakap sa akin kapag umaga!

"Chloe naman! Araw-araw na lang!" Kunot noong sabi no Blake saka siya tumayo mula sa lapag.

"Haha! Good morning din!" Masayang bati ko sa kanya. Tapos na 'yong bangayan portion. Kahit namang sabihin kong huwag niyang gawin, ginagawa niya pa rin.

"Halikan kita eh!" Banta niya.

"Sapak gusto mo? Labas na. Nang makapag-ayos na'ko ng higaan."

"Tch! You're no fun!" Aniya saka siya lumabas ng kwarto. Iiling iling naman akong iniayos na ang kama.

Matapos ko roon ay nagpunta na ako ng banyo para maligo. Nang matapos doon ay tinulungan ko na si Nay Ces sa mga gawaing bahay.

"Mukhang masaya ka nitong mga nakaraang araw iha ah?" Nakangting sabi ni Nay Ces.

Napangiti ako at bahagyang napayuko. Nakaramdam ako ng hiya ng sandaling iyon. "Hindi naman po masyado Nay."

"Nako. Tumanggi pa. Ikaw talaga. Pero mas mabuti na 'yan. Iyong nakikita ko kayong masaya bago kayo umalis sa susunod na araw," ani Nay Ces dahilan para magtaas ako ng ulo at mapatingin sa kanya. Nagulat na lang ako nang makitang parang lumuluha na siya.

"Oh, Nay Ces naman.. Bakit po?" Tanong ko.

"Mami-miss ko kayo ni Blake anak," aniya.

Lumapit ako sa kanya at niyakap siya.

"Dadalaw dalaw naman kami rito Nay. Huwag po kayong mag-alala," saad ko saka ko hinaplos ang likuran ni Nay Ces. Maski tuloy ako ay naiiyak na.

Siguradong mami-miss ko lahat ng ito. Lahat ng masasayang ala-ala na dulot ng lugar na ito sa akin kasama sina Nay Ces at Tay Dos.

Kasama si Blake.

"Hey, what happened?"

Sabay kaming napalingon kay Blake nang marinig namin ang boses niya. Nagtinginan naman kami ni Nay Ces saka umiling.

"Si Nay Ces kasi eh. Mami-miss niya raw tayo," sabi ko kay Blake.

Nakangting lumapit si Blake kay Nay Ces at niyakap ito. "Huwag kayong mag-alala Nay. Pagbalik ko sa amin, ipapasundo ko kayo ni Tay Dos para naman kayo po ang maka-pasyal sa amin."

"Talaga iho?" Palatak ni Nay Ces na nagpangti sa akin.

"Oho," nakangting sagot ni Blake.

Naging madamdamin namang napaiyak si Nay Ces. Nang pumasok si Tay Dos ay kaagad niyang nilapitan ang kabiyak at niyakap. Wala kasi silang anak dahil daw sa baog si Tay Dos. Kaya siguro gano'n na lang ang reaksyon nila sa aming dalawa ni Blake dahil sa maikling panahon na pagsasama-sama namin ay itinuring niya talaga kaming anak.

Napalingon ako kay Blake nang akbayan ako nito. Sumandal naman ako sa balikat niya at nakangiting nakamasid lang kina Tay Dos at Nay Ces na ngayon ay sweet na sweet sa isa't isa.

"Ang sweet nila 'no?" Mahinang bulong ko kay Ake.

"Yeah.. Now I'm getting jealous," bulong niya rin dahilan para mag-angat ako ng paningin at pabirong inirapan siya.

"Yeah right.. Hayaan mo, pagbalik natin, may maraming babae ka na ulit," nakangusong sabi ko.

"Why would I want them? Kung ikaw lang, sapat na."

Napayuko ako at nag-iwas ng tingin. "Style mo Blake. Kailan ka pa natutong mambola?" Kinagat ko ang inner cheeks ko para lang mapigilan ang pagngiti.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang