This Heart Belongs To YOU - 10 (Date nga ata?)

1K 67 37
                                    

💙 10

Blake's POV

Kanina pa ako nagtataka kung bakit prente lang ako sa pagkakahawak ng kamay ni Chloe. Hindi ko rin malaman sa sarili ko kung bakit parang natural lang na pakiramdam iyon sa akin, hindi nakaka-ilang, hindi nakakaasar at para bang may dahilan na kung ano ang naghahatak sa akin para hindi pakawalan ang kamay na iyon.

Sense of responsibility.. Yes.. That's it..

Napansin ko rin namang parang walang epekto iyon kay Chloe. Ni hindi naman ito nahihiya o di naman kaya naiilang, kaya naman siguro komportable rin ako sa pagkakahawak nun. She's not expecting something either.

She's not, Blake. She's different.

Kanina sa sinehan ay wala sa sariling hinawakan ko ang kamay ni Chloe. Akala ko nung una ay naramdaman na nito at sasawayin ako pero hindi. Nakatutok talaga ito sa movie na pinanonood namin. Nagulat nalang ako ng pisilin niya iyon kaya naman napalingon ako sa kanya. Mukhang kinikilig siya kanina sa awkward scenes ng pelikula at ng oras ka iyon ay saka niya lang napansin na hawak ko ang kamay niya.

Idagdag pang may kung anong epekto sa akin ang request niya. Hindi ko alam kung paano niya akong napapasunod, tulad nalang ng pagkanta ko kanina. Meron ring kung anong nagtulak sa akin para isayaw siya at hindi ko pinagsisihan iyon. Masaya siya ngayon at mukhang nag-e-enjoy ito. Hindi ko rin maitatangging ganoon din ang nararamdaman ko ngayon kasama ang babaeng ito.

"Tss. Okay okay. So, let me remind you, don't forget to lock the door later when you leave. Mabibingi ka sa boses ko, promise!" sabi nito saka siya nagtype doon sa videoke box.

Bahagya akong napangiti at napailing. Halatang nahihiya na ito na marinig ko ang boses niya. Pagharap niya sa akin ay nagpakawala pa ito ng malalim na hininga.

"Ready?" nakangiting tanong niya sa akin kaya naman tinanguan ko nalang siya.

Ilang sandali pa ay pumaibabaw ang intro ng kanta.

"..Parang may iba akong nadarama
Magmula nang makausap na kita
Araw-araw ang puso ay umaasa
Na muli ika'y aking makikita.."

Liar.. Liar.. Liar!

"..Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin.."

I was dumbstruck at the very moment. She's a liar. Hindi ito ang inaasahan ko. Ang inaasahan ko ay boses palaka ang maririnig ko saka ito aasarin ngunit hindi.

Her voice is an angel in disguise. It was so amazing that I can't help but to be captivated by her.

Ang mga mata niyang matamang nakatingin lang sa akin. Ang boses niya na para akong inaakit ng mga oras na iyon. Ang nahihiyang galaw nito na nakadagdag pa sa paghanga na nararamdaman ko ngayon.

She's amazing!!

Napahawak ako sa bibig ko ng sandaling iyon at pinigilang magpakawala ng ngiti. Mataman lang kaming nagtitinginan ng sandaling iyon. Para sa akin ay para bang siya lang ang nakikita ko ngayon at wala sa likod niya monitor. Kabisado nito ang kanta, kantang parang may kung anong ibig sabihin.

"..Pasulyap-sulyap ka't kunwari'y
Patingin-tingin sa akin
Di maintindihan ang ibig mong sabihin
Kung mayro'ng pag-ibig ay
Ipagtapat mo na sa akin
Agad naman kitang sasagutin.."

Nang matapos siya ay malalim itong bumuntong hininga at pumikit. Lumapit ito sa akin saka ito umupo sa tabi ko at humarap sa akin. Pinagdikit nito ang dalawang palad niya sa ere at pumikit.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin