This Heart Belongs To YOU - 45 (Boracay Last Day - Broken Heart)

695 36 12
                                    

💙 45

Chloe's POV

"A heart shaped with wings then put a B.C initials inside the heart." Rinig kong sabi ni Ake nang tanungin ni Kuya na nagta-tattoo.

"B.C?" Nagtatakang tanong ko.

"Blake and Chloe." Nakangiting sagot ni Ake.

Hala.. Kanina pa hindi maalis sa isip ko iyon! Naka-uwi na ako at lahat lahat! Ano ba iyan! Kinikilig pa rin ako! Eish!

Naka-ilang gulong na siguro ako sa kama ng sandaling iyon. Naka-ilang aray na rin ako sa tuwing masasangga ko ang tattoo na kanina nga ay ipinalagay namin ni Ake.

Para akong tanga! Hala! Stop me!

"Hoy! Magpatulog ka naman! What time do you think it is?! Maaga pa tayong uuwi bukas!" Singhal sa akin ni Marvin kaya naman inirapan ko nalang ito saka ako humiga ng maayos.

Hindi lang ako makapaniwalang mapapa-kilig ako ng ganito ni Ake. Nakakainis! Nakakainis na hindi. Ano ba 'yan! May problema na ata ako sa utak! Haha

"Teka teka.. Bakit Blake and Chloe?" Nagtatakang tanong ko.

"Bakit ayaw mo? Gusto mo M.J?" Tanong nito.

"Ano naman iyong M.J?" Kunot noong tanong ko.

"Maven and Jayce." Nakangising sagot niya saka ito bahagyang tumawa.

"Hala.. Mahabaging Bathala! Sino pong puno ng ka-kornihan ang sumanib kay Blake Jayce? Nawa'y paalisin niyo na po sa katawan niya dahil nakokornihan ako at sa sobrang korny pati balahibo ko tumatayo!" Sabi ko with matching taas ng pinagdikit kong palad sa ere.

Narinig ko ang paghagalpak ng tawa ni Ake ng sandaling iyon kaya nilingon ko siya at hindi ko na napigilang mapangiti. Kanina lang nung nasa dalampasigan ako ay inis na inis ako rito. Kulang nalang talaga ay bugbugin ko siya kanina at gawing punching bag sa sobrang inis na nararamdaman ko nang mag-walk out ako palabas ng kwarto nila.

Matapos ang halos dalawang oras ay natapos ang tattoo ni Ake at nang tignan ko iyon ay ang ganda ganda. Minus lang iyong buhok ng kilikili niya.

Bahagya tuloy akong natawa ng sandaling iyon.

"Bakit?" Tanong ni Ake.

"Ang ganda ng tattoo mo.." Nakangiting sabi ko habang matamang pinagmamasdan ang tattoo niya.

"Heh.. Meron ka lang initial diyan, maganda na?" Nakangising sabi niya kaya napa-irap tuloy ako.

"Eh di hindi! Ang arte arte! Pinuri na nga eh! Bahala ka na nga diyan!" Inis na sabi ko dito saka ako naglakad palabas ng tattoo shop.

"Chloe naman! Sandali.." Tawag niya sa akin pero hindi ko ito nilingon at nagtuloy tuloy lang ako sa paglalakad. "Sabi ng sandali eh!" Sigaw niyang muli kaya tumigil ako saka siya hinarap.

Hirap na hirap itong nagsu-suot ng sando niya ng sandaling iyon. Bahagya pang nakataas ang braso niya sa kaliwa dahil siguro sa tattoo niya doon. Sa bandang huli ay napailing ako at naglakad pabalik doon para tulungan siyang isuot ang damit niya.

"Maghubad ka nalang.." Biro ko habang tinutulungan na itong mag-suot ng sando.

"Kung pwede lang.. Kaso hahabulin tayo ng mga babae.. Tsk tsk.."

"Eish! Ang yabang!" Umiiling ngunit natatawang sabi ko.

"Ayoko ngang ipagpalit ka." Sabi nito kaya naman nilingon ko siya.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang