This Heart Belongs To YOU - 47 (Choices)

660 38 6
                                    

💙 47

Chloe's POV

Alam niyo ba iyong feeling ng lutang, walang kain, walang toothbrush at walang ligo? Iyong habang naglalakad ka eh gegewang gewang ka pa tapos parang may maliit na marble ball ang nakasabit sa mata mo at pilit na gustong pumikit? Iyong parang may mabigat na bagay sa batok hanggang balikat mo na para bang may nakaakbay na napakalaking tao?

Welcome to my world! Jammit! My head hurts too!

Nasa kalagitnaan ako ng paglalakad kasama sina Macey at Riley. Suot ang pajamas ko ay hinila nila ako palabas ng bahay, para ano?

Para lang kumain ng breakfast sa diner! Nakaka-face palm di ba po?!

"Macey.. Riley.. Naman eh!!!" Reklamo ko. Pikit ang isang mata ko ay patuloy lang ang pagkaladkad nilang dalawa sa akin.

"Wala ka namang gagawin eh.. Huwag ka ng magreklamo!" Singhal ni Riley.

"Pasensya na sis.. Inatake iyang si Riley ng craving niya for a morning American sausage and hash brown na lutong bahay.." Si Macey. Gaya ko ay naka-pajamas din ang mga ito.

"Seriously?!" Bulalas ko nang bigla nila akong pasalampak na itulak paloob ng kotse ni Riley.

"Yeah.. Come on! Put your seatbelt!" Utos ni Riley.

"Anong seatbelt?! Nasa likod naman ako. Ayoko nga!" Reklamo ko saka ako humiga doon. "Anong oras na ba?"

"4 am." Sagot ni Macey. Nasa loob na rin ito ng sasakyan at ganoon din si Riley.

"What?! Oh my gosh! May lakad kami ni Eos!" Bulalas ko dahilan para biglang mag-preno si Riley kaya naman napasubsob ako. Una mukha! Shete much?! "Riley naman eh!" Daing ko habang hawak ang mukha ko saka iyon sinipat ng tingin sa rear mirror.

"Saan kayo pupunta?" Tanong ni Riley na wala man lang pakielam sa nangyari sa akin.

"Lalabas nga kami.." Sagot ko. Ipinagpatuloy naman ni Riley ang pagmamaneho.

"Saan nga kayo pupunta??" Si Macey.

"Boomland Kart Track." Sagot ko saka ako muling humiga sa likod.

"Date?" Rinig kong tanong ni Riley.

"A friendly date." Sagot ko.

"Teka nga.. May nangyari ba sa inyo ni Blake?" Si Macey.

Saglit akong natigilan nang marinig ang pangalan ni Ake ngunit agad din akong nakabawi. "What about him?" Tanong ko.

"Uhh.. Duh?! Hindi ko na kayo nakikitang magkasama.." Si Macey.

"Bawal nga kaming magsama sa school di ba?" Sagot ko.

"Really?? Really Chloe??" Sarkastikong tanong ni Riley kay napakunot ako ng noo at bumalikwas ng upo.

"Uhh-- what's to talk about?" Sarkastikong tanong ko rito.

"Ayy.. Nagsusungit ang ating baby sis.. May problema nga.." Si Macey.

"Wala." Agad na sagot ko saka ako humalukipkip. Parang naalis tuloy iyong antok ko. "Oy teka.. Let me borrow your phone guys.. I need to call Eos." Sabi ko ng maalala si Eos.

Nakita kong nagtinginan sina Riley at Macey nang madako kami sa stop light saka sila lumingon sa akin.

"We're talking about Blake. Huwag mo ngang ipasok sa usapan si Eos." Si Riley.

"Wait.. Do you like Eos?!" Bulalas ni Macey.

"Ugh.. No.. Pahiram na ng phone. Baka maghintay iyon." Pangungulit ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora