This Heart Belongs To YOU - 9 (Date na ba ito?)

1K 68 49
                                    

💙 9

Chloe's POV

Napapadalas na ang pagngiti at pagtawa ni Ake ng oras na iyon kaya naman mas lalong nagbabago ang first impression ko dito. Hindi man siya madalas magsalita ay hindi naman ito nagrereklamo sa mga pinaggagagawa kong pangungulit sa kanya.

Nang matapos kami sa Quatum ay inaya ko siyang manood ng sine.

"That thing called Tadhana! Yan! Yan panoorin natin! Si JM ko ang bida!" bulalas ko.

"JM mo?" ulit niya.

"Yep ex ko siya." biro ko.

"Ex mo?" kunot noo niyang sabi.

"To naman. Joke lang. Asa naman ako noh. Ang gwapo kaya niyan! Anong laban ng beauty ko diyan kay Angelica Panganiban!" nakangusong sabi ko.

"Buti alam mo." nakangising sabi nito.

"Hey! That's rude!" singhal ko dito. "Tss. Anyways, let's take a picture. Ipasa mo sa akin mamaya ha?"

"Picture? Ang korny mo!" kunot noong sabi nito.

"Anong silbi ng camera sa phone mo kung di mo gagamitin? Come on! Hurry up!" sabi ko dito saka ko tinakpan si Angelica Panganiban sa poster at get ginaya ang pose nito.

Rinig kong napabuntong hininga si Ake ng sandaling iyon pero hinintay ko pa rin siyang kuhanan ako. Ilang sandali pa ay kinuhanan na nga ako nito kaya dali dali akong naglakad papunta sa kanya para tignan ang picture.

"Ayiie. Ang cute namin ni JM." natutuwang sabi ko.

"You're really weird." umiiling na sabi nito.

"Tss. KJ! Tayo din, picture tayo." nakangiting sabi ko.

"No." kunot noong sabi niya.

"KJ talaga! Dali na!"

"Huwag kang makulit Chloe."

"Please?!" sabi ko dito with sad face, puppy eyes and quivering lips. Bumuntong hininga ito bago tumabi sa akin. "Ehh, ang bait. hihi okay, 1- 2- 3!"

Click!

Nang tignan ko ang picture namin ay nakakunot noo ito habang ako namang ay nakangiti.

"Ang pangit mo. Buti nalang maganda ang katabi mo." biro ko kaya naman sinamaan niya ako ng tingin. "Di na effective yan." sabi ko dito saka ko siya inirapan at bahagya naman itong ngumiti. Hindi naman talaga ako nasisindak sa ganyang tingin niya.

Nang makapasok kami sa sinehan ay marami ng tao.

"Baba o taas?" tanong ko.

"Baba." sagot nito kaya naman pumwesto kami sa baba, sa pinakalikod sa may gitna. Siya ang nasa dulo.

"Kakornihan nanaman tong palabas na to." bulong niya.

"Okay lang yan. Hindi nakakabawas ng kagwapuhan ang manood ng corny movies." bulong ko din dito.

"Kaya ka korny eh. Korny na, wirdo pa." rinig kong sabi nito kaya nilingon ko siya. Laking gulat ko naman ng pagtingin ko dito ilang inches nalang ang layo ng mukha ko sa mukha niya. Sabay tuloy kaming napaatras at napalingon sa screen.

Spell awkward? Kaloka!

Sakto namang dumilim na ang paligid at nagsimula na ang mga trailers ng kung ano anong movie. Nang mag-flash ang Fifty Shades of Grey ay nanlumo ako. Rated R iyon kaya hindi ako pwedeng makapanood. Nabasa ko na kasi ang libro nun kaya naman parang gusto ko ring makita ito sa movie.

"Damn! That was intense!" bulalas ko ng isalampak ni Christian Grey si Anastasia sa elevator at halikan ito na para bang uhaw na uhaw siya sa halik.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon