Season 2 - 87 (Mama..)

388 21 6
                                    

Chloe's POV

Nasa Angel's Café kami ngayon dahil nga nag-treat si Eos. Oo, sumama na lang ako sa kanila kesa sa umuwi na ako at ma-miss lang si Ake ng sobra. Nakakatuwa lang kanina nang maalala ko ang ginawa niya.

Oh 'di ba? Kung gusto, makakagawa at makakagawa ka naman ng paraan? Yiiie!

"Hoy! Ngingiti ngiti ka na naman diyan! Ikaw na may sweet boyfriend!" Pukaw sa akin ni Ayeka. Nilingon ko naman siya saka ako ngumiti ng ubod tamis. "Penge ngang bug spray! Lintek! In love masyado!" Aniya dahilan para matawa ang buong grupo maliban siyempre, sino pa ba?

"Air dude, paabot ng sugar pack," ani Eos kay Air. Walang reaksyong kinuha nga nito ang sugar pack na nasa harap niya saka iyon inabot kay Eos. "Thanks," nakangiting sabi ni Eos kay Air. Tinanguan niya naman si Eos.

Aba! Improvement?

Actually, kanina ko pa siya napapansing matamlay. Wala rin iyong usually na stern look niya. Mamula mula rin ang pisngi niya ng sandaling iyon.

Is he okay?

"Guys!" Palatak ni Kai kaya naman napalingon ako sa kanya, at ganoon din ang iba. "Kailangan ko na umuwi! Umuwi kapatid kong si Queeny," sunod sunod na sabi nito habang inaayos ang gamit at sarili niya saka nito isinukbit ng bagpack niya sa balikat niya. "Bye!" Paalam niya saka patakbong umalis.

Nagtinginan naman kami nina Eos, at Ayeka. Nang mapalingon ako kay Air ay talaga namang nakipagtitigan pa ito. Gaya ng dati ako na ang unang nagbawi.

Mamaya maya lang ay may tumawag naman kay Ayeka. Napatayo pa ito at parang nag-aalalang sumasagot sa telepono. Matapos niya roon ay nilingon niya kami.

"Guys, I need to go. Emergency," nagmamadali niyang sabi.

"Ihahatid na kita Ayeka," alok ni Eos.

"Can you please then Eos? Kailangan kong maka-uwi agad." Ani Ayeka saka siya bumaling sa akin, "Sorry Chloe. Hihiramin ko muna si Eos."

Well, si Eos kasi ang maghahatid dapat sa akin ngayon, actually, sa aming dalawa ni Ayeka.

"Ha? Ah eh, sige lang." Tumayo ako. "Mag-iingat kayo," bilin ko pa sa kanila. Pwede naman akong mag-taxi eh.

"Dude, pakihatid naman si Chloe," an Eos kay Air kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko.

"Eos huwag na. Kaya ko sarili--"

"Got it." Sagot ni Air na ipinagtaka ko.

Juicecolored! Bakit 'to nangyayari? Kinakabahan pa rin ako kay Air eh! Hindi pa nga kasi kami nagkaka-ayos! Waaah!

"Salamat dude," ani Eos kay Air saka siya bumaling sa akin, "Text me when you get home okay?" Bilin ni Eos. Tumango tango na lang ako dahil halatang madaling madali na si Ayeka.

"Ingat kayo," sigaw ko bago pa sila tuluyang makalabas ng café.

Napaupo ako nang makalabas sila saka ako lumingon kay Air.

"Ubusin na natin 'to para maihatid na kita," tukoy niya sa inumin naming dalawa. Sinunod ko naman siya at agad na kinuha ang inumim ko.

Matapos namin doon ay lumabas na kami ng café. Ayoko talagang maka-sabay siya.

"Air, magta-taxi na lang ako," paalam ko sa kanya. Nilingon naman ako nito saka siya nag-kibit balikat.

"Suit yourself," aniya saka siya naglakad papalapit sa akin at mataman akong tinitigan. "Suit yourself Chloe--"

Naputol ang sasabihin nito nang bigla na lang siyang matumba sa harap ko. Buti na lang ay nasalo ko agad siya kaya lang, syemays! He's heavy! Ang pwesto tuloy ay para akong nakayakap sa kanya habang ang baba nito ay nasa balikat ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora