This Heart Belongs To YOU - 16 (A Friend?)

913 59 14
                                    

💙 16

Blake's POV

Chloe makes me feel like I'm more like myself. I feel comfortable with her. Nakaka-relax siyang kasama. Parang nawawala ang mabibigat na nararamdaman ko kapag malapit siya sa akin, gaya ngayon, habang hawak ko ang kanyang kamay.

Pagkapasok namin bookstore ay napalingon ako kay Chloe ng mapa-singhap ito. She's smiling like an idiot, kaya naman hindi ko napigilang mapangiti.

"Nice. Maraming books!" nakangiting sabi nito saka niya hinila ang kanyang kamay at nagsimulang maglibot sa bookstore. Sa loob ng bookstore na iyon ay may Starbucks kaya naman doon na muna ako tumambay.

Mataman ko itong tinitigan habang tumitingin ito ng mga libro. Nang may makuha siya ay sinimulan niya akong hanapin. Agad naman niya akong nakita saka ito naglakad papalapit sa akin.

"Nicholas Sparks babe.." masayang sabi nito saka siya umupo sa harap ko at sinimulang buklatin ang libro.

"Huwag mong sabihing babasahin mo yan dito?" tanong ko.

"Scan or skim lang. Pag nagustuhan ko bibilhin ko to." sagot niya ng hindi man lang ako nililingon.

Napailing nalang ako at nagkibit balikat. Makaraan ng ilang minuto ay ni wala na akong marinig na kahit ano kay Chloe kaya naman napalingon ako dito. Nang mga sandaling iyon ay nakita kong mataman ng nakatingin sa kawalan si Chloe kaya naman inilapit ko ang upuan ko dito at binalak na kausapin ito.

"Hey.. Gabi na. Tara?" yaya ko dito ngunit parang hindi niya ako narinig. I tried snapping my fingers in front of her face ngunit gaya ng dati ay wala itong kibo.

Nasa kalagitnaan ako ng pagtataas ng dalawang kamay ko sa ere sa harap niya ng bigla itong lumingon sa akin. Ang mukha niyang walang reaksyon ay para bang nawawala sa kawalan.

"May sinasabi ka Ake?" tanong nito.

"I said let's go. Gabi na." ulit ko.

"Ahh.. Okay." walang buhay na sabi niya saka iniayos ang gamit niya at kinuha ang libro.

Sinundan ko lang ito hanggang sa magbayad siya sa cashier. Gaya ng kanina ay malungkot pa rin ang mga mata nito habang wala kang mababakas na reaksyon sa mukha niya.

Nang itigil niya ang sasakyan sa harap ng Angels Cafe ay nginitian ako nito saka nagpaalam.

"Ingat.", bilin ko dito.

"Hmm. Ikaw din. Thanks for the company.", nakangiting sabi nito saka niya itinaas ang bintana ng kotse niya. Ilang sandali pa ay wala na ito sa harap ko.

Makaraan ng ilang minutong pagtayo ko doon hanggang sa makitang wala na ito ay sumakay na ako sa kotse at nagsimulang magmaneho pauwi ng bahay.

Pagdating ko sa bahay ay agad akong sinalubong ni Mom. May dala itong diyaryo at yun ang iniharap niya sa mukha ko.

"What's this?! Who's this girl?!" panimula nito.

"My classmate Mom."

"At hinayaan mong kinuhanan kayo ng press na magkahawak kamay?! Sino siya? Anong pangalan niya?!"

"Chloe Maven Cavalier Mom."

"Cavalier? Sino yan? Ni wala akong kilalang Cavalier sa business industry! Ngayon palang pinagbabawalan na kitang makipaglapit sa hampas lupang babaeng iyan!" sigaw niya na nagbigay sakit sa ulo ko kaya naman napabuntong hininga ako ng sandaling iyon.

"She's fine Mom. May kaya sila."

"Oo. May kaya. Hindi naman makakapag-aral yan sa Drexel kung wala silang pera. Pero hindi sila kilala sa business industry. You're not allowed to date her."

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora