This Heart Belongs To YOU - 33 (Being a Drexel)

681 41 5
                                    

💙 33

Chloe's POV

Nakalinya kaming lahat ngayon sa assembly hall ayon sa year levels at section namin. Nasa likuran ko si Macey at sa harap ko naman ay si Riley.

Bakit ba para nalang akong laging binabantayan ng dalawang 'to? Daig pa namin ang Charlie's Angels eh! haha

Bahagya akong napangiti sa naisip kong iyong ngunit agad ding napukaw ng magsi-tilian ang mga babaeng studyante ng may tawagin ang announcer sa may stage. Ang mga member ng student council. Napalingon ako doon ng sandaling iyon at nakita ko sina Ake at Eos kasama pa ang dalawang lalake at tatlong babae.

"Uy! Bakit nandoon si Eos?" Tanong ko kay Riley.

"Siya ang treasurer. Si Blake ang president. Then that guy with glasses, siya yung tumugtog sa Angels Cafe nung minsan na natambay tayo doon, si Ace, the vice pres. Yung babae na may glasses, that's Avery, their secretary. The rest, sila ang representatives per year level." Paliwanag nito kaya naman tumango tango nalang ako.

Nagsimulang lumapit si Ake sa harap ng microphone at inilibot ang paningin nito sa buong assembly hall na para bang tinitigan ang bawat studyanteng nandoon.

"Hindi ko na pahahabain ito. Alam kong lahat kayo ay meron ng copy ng video ni Miss Cavalier. Hindi makakalabas ang bawat students dito ng hindi nila nakukuha ang gadgets nila kapag hindi umamin ngayon din kung sino ang nagkalat ng video na yun." Seryosong sabi ni Blake. Hindi mo mababakasan ng kahit anong reaksyon ang mukha niya pero bakas sa boses nito ang awtoridad.

Nagsimulang magbulungan ang mga students ng sandaling iyon habang ako naman ay hindi makapaniwala sa ginagawa ngayon ni Ake. Para sa akin kasi hindi naman na big deal iyon.

May isang nagtaas ng kamay galing sa fourth year students kaya naman lahat kami ay napalingon doon.

"Yes?" Tanong dito ni Ake.

"Bakit ba napaka-big deal naman ata nito sa iyo President?" Sarkastikong tanong ng isang lalake.

"Because she's my girlfriend."

Lahat ay napa-singhap ng sandaling iyon. Tinitigan naman ako ng mga nakakakilala sa akin na para bang naghahanap ng sagot habang ako ay napangiwi nalang at napailing. Nakita ko rin ang mga mata nina Macey at Riley na tila nagtatanong kung anong ibig sabihin ni Ake sa sinabi niyang iyon.

"So ikaw ang lalakeng nasa video?" Tanong ng isang babae.

"Yes. At handa kaming tanggapin kung ano mang karampatang parusa ang ipupukol sa amin. Pero dapat ay alam niyo ng lahat na it's actually a private matter right? Bakit kailangang i-video iyon at ikalat sa school? Alam kong alam ng kung sino mang nagkalat ng video na iyon na ako ang lalakeng nasa likod ng video ngunit nangahas pa rin itong ikalat ang video. Now, that's a very brave thing to do, don't you think?!" He smirked and gently shakes his head. "Ako talaga ang kinalaban mo? Kung sino ka man.."

Sumama ang aura ni Ake ng sandaling iyon at mababakas sa mga mata nito na hindi niya talaga nagustuhan ang nangyari.

"Spill it. Now. O madadamay pati ang mga lahat ng may video ngayon sa mga cellphones nila. Makakarating din ito sa mga magulang niyo." Ma-awtoridad na sabi nito.

"Prince Blake! Siya! Siya ang nagpakita sa akin ng video!"

Nangibabaw ang malakas na boses ni Clara ng sandaling iyon at tinuro ang isang minion na kasama niya.

"How dare you Clara! Ikaw ang nagkalat! Sinabi ko naman na sa iyo na si Prince Blake ang lalakeng nasa video!" Sigaw nung tinuro ni Clara.

"Miss Lizarde and Miss Lim. Go to the principal's office now." Pukaw ni Principal sa mga ito. "Also, all the students council members, including Miss Cavalier. Bago kayong umalis lahat ay gusto kong burahin na ninyong lahat ng video. May mga pupuntang guro sa inyo at ipapakita sa kanila ang pag-delete ng video. Naiintindihan ba?"

This Heart Belongs to YOU (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora