This Heart Belongs To YOU - 20 (Being a Fuentabella-Cavalier)

837 64 12
                                    

💙 20

Chloe's POV

Nasa kalagitnaan ako ng pag-iinarte ng may humigit sa braso ko. Hihilahin ko sana iyon at papatumbahim pero laking gulat ko ng makitang si Ake iyon.

"Ano?!" inis na sabi ko dito. Naiinis talaga ako ng oras na iyon.

"Bakit hindi mo sinabi?"

"Ang alin?!"

"Yung tungkol sa pamilya mo."

"Aba! Malay ko bang may ganoong nalalaman ang pamilya ko Ake. Nasa America kami. Malay ko bang pati dito eh may ka-share pa sila ng business. Tss!" naiinis na sabi ko.

"Anong nakakainis doon?"

"Tch! Wala." sagot ko dito saka ko hinila ang braso ko at naglakad palayo.

Bakit nga ba ako naiinis?!

Naiinis ako dahil sa may nakaalam nanaman ng background ko. Dahil diyan marami nanamang magiging plastic sa akin. Tulad nalang nung nasa America ako.

FLASHBACK

Nasa party ako ngayon kasama sina Mama, Papa at Marvin. Lalapitan ko na sana ang mga babaeng kaibigan ko pero nahinto ako ng marinig ko ang pangalan ko habang nag-uusap sila. Walang ano ano ay umupo ako sa bakanteng upuan na nandoon at tumalikod para marinig ang usapan nila.

"Chloe is so annoying! I really hate her!"
"I know right! Just because she's a Fuentabella Cavalier, acting all high and mighty, bossing us around!"
"I don't wanna be friends with her either! She feels like she's all beauty and brain, but she's not!"
"She's a flirt too! You know Kevin? Well, Kevin is now into her because she's such bitch!"
"I know right! If she's not a Fuentabella Cavalier, I'll never bother myself to talk to her, like duh! We hate you! Get lost!"

Rinig na rinig ko ang masasakit na salitang iyon sa mga tinuring kong kaibigan. Nasaktan ako ng sobra at ang luhang kanina ko pang pinipilit na pigilan ay nagsimulang pumatak. Tumayo ako at tumakbo palabas ng party hall na iyon. Nagpasundo ako sa driver namin at agad na nagpahatid sa bahay.

END OF FLASHBACK

Ayoko ng mapalibutan ng mga taong ganoon. Paano kung magbago ang tingin sa akin nina Macey at Riley? Paano kung papakisamahan nalang nila ako dahil sa estadong meron ako? Paano kung hindi na nila sabihin ang ugaling ayaw nila sa akin? Paano kung layuan na rin nila ako?

Hindi ko namalayang napadpad na pala ako sa greenhouse ng sandaling iyon. Ang luhang kanina ay pinipigilan ko ay nag-unahang pumatak sa aking mga mata. Isa ito sa ayaw ko sa sarili ko. Masyado akong iyakin. Parang ang hina hina tuloy ng tingin ko sa sarili ko.

"Tatabi ako."

Napaatras ako sa inupuan kong bench ng may marinig akong magsalita.

"Ake?! Stalker na ba kita?" kunot noong tanong ko dito habang pinupunasan ang luha ko.

"Huwag kang feeling. Wala akong balak maging stalker mo. Ano nanamang problema mo at umiiyak ka?" kalmadong sabi nito habang naka-crossed arms.

"Tss. Wala nga."

"Ano nga?"

"Wala."

"Okay." sagot ni Ake kaya naman napabuntong hininga ako ata napatingin sa malayo.

"Matagal mo na bang kaibigan sina Logan at Aiden?" wala sa sariling tanong ko.

"Yeah. Kababata ko sila."

"Hmm.."

"Ikaw? Bukod kina Macey at Riley? May naiwan ka bang kaibigan sa inyo?" tanong ni Ake kaya naman nilingon ko ito saka ako pilit na ngumiti.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora