Season 1 Ending

669 27 6
                                    

Season 1 Ending

Chloe's POV

Hindi ko alam na ganito pala feeling ng sobrang minamahal at may mahal ng sobra. Nakakatuwa. Ang saya! Daig ko pa nagbasa ng wattpad na super kilig sa isang scene kung saan nagkatuluyan ang mga paborito mong bida sa huli. Iyong tipong nakangiti ka kahit naiisip mo lang. Iyong tipong bawat tingin niya palang eh nakakatunaw na. Bawat paglipas ng oras na kasama mo siya, ang bilis bilis na halos ayaw mo siyang pauwiin kasi gusto mo pa siyang makasama. Nakakabaliw! Masyado na akong naaadik.

Hindi ko akalaing ganito pala magmahal si Ake. Sagad kung sagad! Sapat na sapat! Iyong tipong hindi ka niya bibigyan ng dahilan para hindi mo pa siya mahalin araw araw. Iyong mas mamahalin mo pa siya kasi siya mismo ang gumagawa ng paraan para mas lalo kang mapalapit sa kanya? Ah basta! Sobrang saya ko. Mahirap i-explain. Mahirap i-elaborate. Mahirap himayhimayin at sabihin kung bakit. Basta mahal niya ako at mahal ko siya.

Hindi na kailangan pa ng ibang rason. Kumbaga sa binili mong paboritong cologne, free items nalang iyong pagiging sweet, gentleman, o maski kagwapuhan ng boyfriend ko. Ayiie! Ako na! Ako na talaga masaya!

"Babebear.. Matunaw ako.." Nakangiting sabi sa akin ni Ake nang mapansin nitong mataman lang akong nakatitig sa kanya. Nasa garden kami ngayon at nagbabarbecue kasama sina Mama at Papa.

"Ayaw mo? Madali akong kausap." Lumabi ako rito saka umirap.

"Ako pa ba ang aayaw na matitigan ng napakagandang babaeng tulad mo?" Natatawang sabi nito.

Isa pa iyan! Who would have thought that Blake Jayce Drexel is capable of saying such things? Who would have thought that he'd fall in love with me? Sino nagsabing walang forever? Forever itong sa amin! Ay hindi, endlessly pala.

Yes. Kung TFIOS may always, kami may ENDLESSLY! Bakit ba? Walang basagan ng trip!

Bahagya akong natawa ng sandaling iyon. Nang magawi ang paningin ko kina Mama at Papa ay mas lalo akong napangiti. Sila ang forever ko. Sila ang nagpaniwala sa akin na totoo ang forever. Nagkakaalitan man ay sila iyong tipong aayusin agad ang problema at hindi patatagalin ng isang buong araw.

Naramdaman ko ang pag-upo ni Ake sa tabi ko kaya nilingon ko ito. Apat lang naman kami rito. Kung hindi si Ake iyong tumabi, ano? Multo?

"I really like Tito and Tita." Nakangiting sabi niya habang nakatingin sa mga magulang ko.

"I love them Ake.." Sambit ko saka ako lumingong muli sa gawi ng parents ko na ngayon ay magkayakap at tila naguusap.

"We'll be like that Babebear. Don't worry." Rinig kong sabi ni Ake kaya naman nilingon ko ito saka siya nginitian.

"You think so?" Tanong ko.

"No. I said so." Saad niya saka niya kinuha ang kamay ko at hinalikan iyon. "I'm too happy Babebear. Sa sobrang saya na nararamdaman ko ngayon, natatakot din ako." He said as his eyes wavered; his hazel eyes.

"Bakit?" Nagtatakang tanong ko.

"Dahil alam kong may kapalit ang lahat ng ito Chloe. Nothing is permanent except change, and that change is making me feel anxious. Natatakot ako na isang araw magising nalang akong hindi mo na ako mahal at wala ka ng nararamdaman sa akin. Sana lang huwag umabot sa ganoon." He smiled softly, but this time is different. His face smiled but his eyes didn't.

Yumuko ako para titigan ang magkahawak kamay naming dalawa. Unti unti ko iyong itinaas sa ere saka siya nginitian nang makita ang pagtataka nito sa kanyang mukha.

"We have this bond Ake. A strong bond. Iyong bond na napakahirap i-explain at basta nalang nangyari." Nginitian ko siya. "Naaalala mo ba noong una tayong lumabas? Alam mo bang iniisip ko noong panahon na iyon na, bakit kaya komportable akong hawakan mo ang kamay ko? Bakit kaya okay lang sa akin at pakiramdam ko parang ang tagal na nating magkakilala para pumayag akong mahawakan mo ng ganun ganun lang? Then I've realized, that no matter how hard we try to understand some things, we can't. It just happens. And I always believed that everything happens for a reason." Kinuha ko ang isang kamay niya at hinawakan iyon. "Maybe, this is the reason. I fell in love, you fell in love. Us. This. Cliché much? Well yeah.. But still, love is love. May iba pa bang kahulugan iyon?"

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora