Season 2 - 97 (Choices)

347 17 7
                                    

Chloe's POV

Papunta ako ngayon sa bahay nina Ake pero laking gulat ko na lang na hindi pa man ako nakakapasok ng gate ay nakita ko ng papalabas sina Blake at Janeen ng gate.

"Chloe!" Bulalas ni Janeen. Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Ang tagal kitang hindi nakita ah? Pumayat ka yata?" Puna niya saka niya ako tinitigan mula ulo hanggang paa.

"Hi Janeen." Nakangting sabi ko. Iyon lang kasi ang kaya kong sabihin sa ngayon. Makita ko pa lang siya ay naninikip na ang dibdib ko. Nakakaramdam ako ng galit. Naaasar ako sa kanya. Nakakairita siya! Pero kailangan kong pakalmahin ang sarili ko para makausap si Ake.

Mataman akong tinitigan ni Janeen, sa huli ay siya ang unang umiwas saka niya nilingon si Ake. Nang lingunin ko rin si Ake ay mataman siyang nakatingin sa akin. Nginitian ko siya sako ko siya tinanguan.

"Una na ako Blake, bye! Bukas ulit!" Paalam ni Janeen.

"Ihahatid na kita," ani Ake sa kanya na muling nagpakirot sa puso ko.

"Stupid much? Nandito girlfriend mo. Umayos ka nga!" Singhal sa kanya ni Janeen.

"Okay. Take care," ani Ake sa kanya. Kumaway naman si Janeen saka ito tuluyang umalis.

Nang makaalis si Janeen ay pareho kaming hindi nagsasalita ni Ake ng sandaling iyon. Pakiramdam ko ay ayaw niya talaga akong makita. Ni ayaw niya atang nandito ako ngayon.

"Pwede ba kitang makausap?" Tanong ko kay Ake. Nakita ko naman ang pagkibot ng labi niya saka siya unti unting lumingon sa akin.

Ganoon pa lang ang ginagawa niya ay ang lakas na ng kabog ng dibdib ko. Sobrang na-miss ko talaga siya at hindi ko maitatanggi 'yon.

"Para saan pa Chloe?" Malamig na tugon niya.

Ano bang ginawa ko para maging ganito siya sa akin?

Yumuko ako at napakagat labi. Pinigilan kong umiyak ng sandaling iyon. Ilang beses akong huminga ng malalim at nang muli kong iangat ang ulo ko ay malamig na mga mata ang sumalubong sa akin.

"What happened to us Ake?" Tanong ko.

Nakita ko ang pangungunot noo ni Ake ng sandaling iyon saka siya umiling.

"Yeah Chloe. What happened to us?" Pabalik na tanong niya.

"Tell me what happened. Huwag mong ibalik sa akin ang tanong." Pilit kong pinakalma ang sarili ko ng sandaling iyon. Hangga't maaari ay hindi ako pwedeng mahina ngayon.

Please, I'm begging you right now. Kumalma ka muna puso!

Ngumisi si Ake saka siya nagpakawala ng buntong hininga. "I don't know Chloe."

"You don't know?!" Kunot noong sabi ko rito.

"Yes. I don't know," tiim bagang na sabi niya.

"Mahal mo pa ba ako Ake?"

That's it. Kapag nalaman ko ang sagot sa tanong na 'to. Magde-desisyon na ako.

"Mahal pa nga ba kita Chloe? Hindi ko alam," umiiling na sabi niya. Napakagat labi ako saka ako huminga ng malalim at nag-iwas ng tingin. Konti na lang ay bibigay na ang luha ko. Pero hindi, hindi ako iiyak! Pagod na akong umiyak gabi-gabi.

Nang magbalik ako ng tingin sa kanya ay mataman siyang nakatingin sa akin. Ngunit hindi na gaya ng dati ang tingin na iyon. Wala na 'yong mga mata niyang ako ang hanap. Iyong napapangiti siya sa tuwing makikita niya ako. Wala na.

"What happened to us Blake Jayce? Bakit ganito?" Ulit na tanong ko dahil 'yon talaga ang gusto kong malalam ngayon. "Bakit bigla ka na--"

"Let's break up."

This Heart Belongs to YOU (Completed) Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ