Season 2 - 102

412 18 1
                                    


Chloe's POV

Nasa kalagitnaan ako ng pagdadrama ng mahagip ng mga mata ko si Ake sa entrance ng theater namin.

"I love you. Yes. I do love you, and no matter what happens, I'll wait for you. Forever," drama ko habang matamang nakatingin kay Ake.

"End-less-ly. I-love-you-Chloe. I'm-sorry." He mouthed.

Wala sa sariling bumaba ako ng stage ng sandaling iyon at pinuntahan si Ake.

Mahal niya pa ako. Mahal niya pa ako!

Mabilis ang pagtakbo kong ginawa at halos patalon ko siyang niyakap.

"Ake! Ake!"

Hindi ko na napigilang mapahagulgol ng sandaling iyon. Mahal na mahal ko siya. Wala na akong pakielam kung magmukha man akong tanga, ang alam ko lang mahal ko siya. Sobrang mahal na mahal ko talaga siya.

"I'll be back Chloe. I'll be back!" Aniya saka siya unti unting naglaho sa mga braso ko.

"No! Ake! Ake!" Tawag ko pero walang sumasagot sa akin hanggang sa magdilim ang lahat.

"Ake!" Sigaw ko nang magising ako.

Panaginip.

Ramdam ko ang muling pamumuo ng luha sa aking mga mata. Hindi ko alam pero parang totoong lalayo na sa akin ng tuluyan si Ake.

Bakit ganoon? Bakit?

Araw ng Biyernes. Play. Nasa theater kami ngayon dahil dress rehearsal namin para mamayang hapon. Inaayusan ako ng mga nakatalaga sa costume. Naka-ilang hapit na sila sa corset na suot ko hanggang sa makita kong halos lumabas na ang boobs ko ay pinatigil ko na sila.

Wow! Biglang parang lumaki ng bongga!

Hindi ko mapigilang matawa nang maharap ako sa salamin. Parang barbie ang katawan ko dahil sa liit ng bewang ko at laki ng hinaharap ko ngayon. No wonder na nagiiba ang itsura ng katawan ng mga models ay dahil pala rito.

"Wow Chloe! Hapit na hapit ah! Nakakahinga ka pa ba?" Natatawang sabi ni Ayeka. Nang lingunin ko siya ay hindi ko mapigilang matawa. Mas hapit pa kasi iyong kanya kesa sa'kin.

"Nakakahinga pa ako. Ang tanong, ikaw ba, nakakahinga pa?" Natatawang sabi ko.

"Tseh! Minsan lang ako maging ganitong ka-sexy! Tumahimik ka!" Inirapan ako nito saka siya tumalikod at naglakad palayo.

Sumunod na pinasuot nila sa akin ay ang crinoline para maging poofy na tignan ang dress ko. Ala-1960's style kasi ang costume namin. Yung akin nga ay parang Cinderella style. Yung kay Ayeka ay parang kay Belle sa Beauty and the Beast. Maging sa iba ay ganoon din, iba-ibang kulay lang.

Matapos namin makapagpalit ay lumabas na kami ng stage. Dress rehearsal pa lang naman kaya wala pang make-up. Itinali ko na muna ang buhok ko pa-itaas para hindi sagabal sa mukha ko mamaya.

"Chloe? Wow! Bagay na bagay! Para kang princess!" Bulalas ni Kai saka siya lumapit sa akin at inikot ikot pa ako. Kasabay naman nun ay ang bahagyang pagtawa ko dahil sa nakitang reaksyon ni Kai.

"Ang ganda mo baby," ani Eos kay Ayeka na ngayon ay parang ala-slow-mo kung gumalaw kaya napailing ako.

"Where's the prince?! Ang tagal naman!" Sigaw ni Kuya Jaze. Siya ang director namin sa nasabing play.

"Here. Tch! You don't have to shout--"

Natigilang magsalita si Air nang makita ako at maski ako ay ganoon din ng makita siya. Napaka-gwapo niya. Suot niya man 'yong mga hikaw ay hindi iyon nakabawas sa kagwapuhan niya. Para ngang napaka-cool niyang prince eh. In new generation ba kumbaga. Nilapitan ko ito at nginitian. Mataman pa rin siyang nakatingin sa akin na para bang tulala na ewan.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora