This Heart Belongs To YOU - 5 (Ice Prince)

1.1K 68 47
                                    

💙 5

Chloe's POV

Pagpasok ko ng classroom kinaumagahan ay masyado ata akong napaaga. Wala pa kasing tao ng sandaling iyon doon. Nang mailagay ko ang bag ko sa desk ko ay agad din akong bumaling sa may binatana. Sliding window iyon at may munting terrace doon, kaya naman walang ano ano ay binuksan ko yun at akmang sasampa na ng biglang may humigit sa bewang ko dahilan para matumba kaming dalawa sa sahig. Sapo ang siko kong tumama sa sahig ay agad akong tumayo at nilingon ang taong humigit sa akin. Bahagya pang nanlake ang mga mata ko ng makita ko kung sino iyon. Kunot noo itong masamang nakatingin sa akin dahilan para mapakunot noo rin ako.

"Are you trying to kill yourself?!" galit na sigaw niya sa akin kaya naman bahagya akong napaatras.

Si Blake.

"Trying to kill my self?! What the heck?! I'm not an idiot to do that! Tatambay lang sa terrace, magpapakamatay na agad?! Utak mo laging naka-fast forward!" singhal ko sa kanya kaya naman parang kumalma ang mukha nito saka umiling.

Nagsimulang tumayo ito at pinagpagan ang sarili niya. Nakita ko ang pag-kunot ng noo niya ng hawakan nito ang siko niya. Nang tignan ko iyon ay may sugat iyon. Nagpakawala ako ng buntong hininga saka ako naglakad papunta sa desk ko at kumuha ng band aid at aseptic towelettes sa mini first aid kit ko. Nang makuha ko iyon ay nilapitan ko si Blake saka ko hinila ang braso nito.

"What?!" singhal niya sa akin saka niya hinila ang braso niya.

"Shut up!" singhal ko rin saka ko muling kinuha ang braso niya at iniikot iyon para makita ang siko nitong nagdudugo. Hindi naman na hinila pabalik iyon ni Blake ng makitang yung siko niya ang punterya ko.

Una kong binuksan ang aspetic towelettes at marahang pinunasan ang sugat nito. Sumunod kong ginawa ay hinipan iyon para madaling matuyo saka ko inilagay ang band aid. Nang matapos ako doon ay kinuha ko ang kalat at naglakad papunta sa may trash bin para itapon yun. Hindi na ako nag-abalang lingunin pang muli si Blake dahil naupo na ako sa desk ko at inilabas ang iPod ko saka ako namili ng kanta.

Pumikit ako ng sandaling iyon at para bang nakaramdam ng antok. Maaga kasi akong nagising kanina para makapag-jogging kami ni Marvs. Wala naman akong balak sumama pero pinilit ako ng kambal ko.

Ramdam ko ang sariwang hangin ng sandaling iyon sa mukha ko, pero agad ding nawala ng may marinig akong nag-sarado ng bintana.

'Psh! Panira talaga ng mood tong lalaking to.'

Nang makaramdam akong tuluyan ng antok ay yumuko ako sa desk.

"Mama, Papa, sorry po. Promise, mas magiging malakas pa ako. Mabubuhay ako para sa inyo Pa, Ma. Promise po." umiiyak na sabi ko kina Mama at Papa na parehong lumuluha sa harapan ko. Ang sakit sakit makitang ganito sila kalungkot at nasasaktan sa nangyayari sa akin.

Bigla kong idinilat ang mga mata ko ng bitawan ko ang mga salitang iyon at dahil na rin parang may naramdaman akong may nagpunas ng luha ko. Napanaginipan ko nanaman ang malungkot na mukha ng mga magulang ko. Ang pagluha nina Mama at Papa noong panahon malapit na kaming mawalan ng pagasa na mabubuhay pa ako. Para bang trauma na iyon sa akin na hinding hindi ko makakalimutan.

Nang igala ko ang paningin ko sa klase ay wala pa ring tao ng sandaling iyon. Ilang sandali pa ay napako ang tingin ko kay Blake na matamang nakatingin sa akin sa di malamang dahilan. Nang ipikit ko ang mata ko ay may naramdaman akong luha na tumulo mula roon. Agad ko iyong pinunasan saka ako bumuntong hininga.

"Wala bang klase?" tanong ko kay Blake na hanggang ngayon ay ramdam kong nakatingin sa akin.

"Mamaya pang 9. Kapag Tuesday at Thursday, 9 ang simula ng klase." rinig kong sabi nito kaya naman nilingon ko siya. Walang ekspresyon ang mukha nito ng sandaling iyon. Nakasandal lang ito sa window glass habang naka-crossed arms na gaya ng pakiramdam ko ay mataman nga siyang nakatingin sa akin.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora