Season 2 - 113 (Let's Stop Pretending)

428 24 1
                                    

Blake's POV

Iiling iling akong naghintay nga sa labas ng banyo. The fact that Chloe's now smiling and laughing, I can't help but to feel happy.

I started humming a song as I closed my eyes.

"If I could do it all over, baby I'd do it different
Maybe I wouldn't be here, in this position.. I found you and I lost you, looking back is torture. And it hurts to know I let you go, you live right around the corner.." Kanta ko saka ko itinaas ang kamay ko sa ere na para bang nagpa-piano.

Hindi ko makalimutan ang kantang 'to. Parang napakalalim ng kahulugan ng kantang 'yon sa'ming dalawa ni Chloe noong high school kami. Dahil sa kantang 'to ay marami akong napagtantong mga bagay-bagay.

"And I could've had it all, could've had it all.. True love, I know I had it. True love, was so hard to find. True love, If I could get it back, yeah.. I'd never let it go this time.." Pagpapatuloy ko.

Yeah. I know I had it but, I let it go. Can I still have it back Chloe? Kapag ba kumilos pa ako ngayon, maaari pa bang magbago ang laman ng puso mo at maging ako ulit.

Napadilat ako nang mga mata ng sabayan ako ni Chloe.

"Feeling it all around me, wondering how I blew it
And I wanna know the secret, of how they, do it.. There's no such thing as perfection, I'm still learning that lesson.. To forgive is key to forgetting me. And I'm staring at my reflection.." Sabay naming kanta.

I blew it Chloe. Forgive me. But please, don't forget me.. Please..

"True love, I know I had it. True love, was so hard to find. True love, If I could get it back, yeah.. I'd never let it go this time.." Sabay namin ulit na kanta. Mas madamdamin nga lang iyon kaysa nung una.

"I'd never let it go this time.." Kanta ni Chloe.

Yeah. If ever na mabigyan ako ng second chance--

"I'd never let it go this time. . . True love. . ." Pagtapos ko sa kanta.

I will never let go of you again Chloe. Never.

"Boo!"

Bahagya akong napapitlag at agad na napalingon sa likuran ko. Si Chloe. Tumatawa ito habang pinupunasan ng tuwalya ang kanyang buhok.

"You scared me!" Mahinang asik ko sa kanya.

To think that I'm alone here?! Tch!

Tumawa siya. "Sorry na. Hehe. Maligo ka na. Hihintayin din kita dito sa labas," aniya.

"No. I'm fine. I can handle myself," agad na sagot ko saka ako naglakad papuntang banyo.

Mamaya ay kung ano pang mangyari sa kanya.

"You sure? Ikaw bahala. May na-kwento pa man din si Nay Ces at Tay Dos na may nakaputing babae na nakikisabay daw maligo--"

"Chloe! Cut it!" Suway ko sa kanya. "Fine! Stay! At huwag na huwag kang aalis! Kakausapin mo ako habang naliligo or kumanta ka!"

Tumawa na naman siya. "Ses! Doktor ka 'di ba? Dapat hindi ka takot sa multo," tukso niya.

"Hindi nawawalan ng tao sa hospital Chloe," tiim bagang na sagot ko sa kanya. Bigla kasi akong pinanayuan ng balahibo dahil sa sinabi niya.

"Oo na. Sige na. Maligo ka na. Papalusot pa," umiiling na sabi niya.

"Kumanta ka ah!"

"Opo!" Natatawang sagot nito kaya naman napailing na lang ako saka ko isinarado ang pinto. "Kanta na!" Sigaw ko habang tinatanggal na ang damit at saplot ko. Nang makaisang buhos ako ng tabo ay sinimulan niya na ngang kumanta.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin