Season 2 - 107

391 20 8
                                    

Blake's POV

Nasa hospital ako nang bigla akong sinutok sa mukha ni Air. Nagkaroon tuloy ng gulo roon dahil sa pinatulan ko rin siya. Hindi ko alam kung bakit pero galit na galit niya akong sinisigawan ng sandaling iyon. Pinalabas tuloy kami sa labas at doon nag-usap.

"Hayop kang gago ka! Anong ginawa mo kay Chloe?! Ha?!" Asik niya sa akin. Kitang kita ko ang ugat niya sa noo kaya naman nasisigurado kong galit na galit ngang talaga siya.

Parehong may nakahawak sa aming dalawa ng sandaling iyon.

"What the hell are you talking about?!" Singhal ko rin sa kanya ngunit hindi naman ako ganoon kagalit.

"Dahil sa'yo! Dahil sa'yo nawawala si Chloe ngayon! Naaksidente siya!" Sigaw niya kasabay ng paghablot niya sa dalawang braso niya sa dalawang guard na nakahawak doon.

"What?!" Kunot noong asik ko sa kanya.

"Dude, si Chloe! Kasama roon sa mga nawawala sa plane crash nangyari kahapon," pukaw sa akin ni Aiden. Ni hindi ko man lang nakitang nandoon siya kasama sina Logan, Macey at Riley.

"Anong sinasabi niyo? Maayos pa siyang umuwi kahapon ah?" Tanong ko sa kanila saka ako bumaling kay Air. "Nasaan ang mga gamit niya? 'Di ba't kasama ka niya ngayon sa iisang condo?" Kunot noong tanong ko kay Air.

"Her baggage is in there," humahangos na sabi niya. "Kaya hindi ko malaman kung bakit umalis siya at iniwan ang gamit niya roon," paliwanag niya.

Tinanggal ko ang salamin ko at inihilamos ang isa kong kamay sa mukha ko. Tuliro akong nilapitan sina Macey at Riley.

"May nasabi ba siya? Anong sabi niya bago siya umalis ng bahay nina Carla?" Tanong ko habang hawak ang balikat ni Riley.

Nagsimula siyang lumuha at humagugol bigla. "Ang sabi niya kailangan niya raw si Air. Nagmamadali siyang makita si Air," aniya kasabay ng pagpunas niya ng kanyang mga luha sa pisngi niya.

Unti-unti kong nilingon si Air at sinamaan ito ng tingin.

"You're not there yesterday?" Tanong ko sa kanya habang mahigpit kong tikom ang kamao ko. Nagbabadyang sumuntok kapag mali ang sinagot ng lalaking kaharap ko ngayon.

"I was there," naguguluhan niyang sabi.

"And what are you doing?! Alas-otso iyon ng umaga!" Asik ko sa kanya.

"I'm sleeping, I think? I don't know! Ginising na lang ako ni Yel na---shit!" Bulalas niya na ipinagtaka ko.

"What?!" Pa-singhal kong tanong sa kanya. Konting konti na lang talaga ay lalapat na ang kamao ko sa pagmumukha niya dahil parang may ginawa itong kababalaghan na nakita ni Chloe.

"Bakit niya ako kailangan nung araw na 'yon?" Baling niya kay Macey.

"Ikaw lang daw ang nakakapagpakalma sa kanya Air. Then I asked her too kung if she likes you, she smiled as an answer." Tumingala si Macey at tinitigan si Air. "Sinong Yel? May ginagawa ba kayo nung Yel? Babae ba 'yon? May hindi ba dapat makita si Chloe? Di ba girlfriend mo siya?" Sunod-sunod na tanong ni Macey kay Air.

"She's my best friend but that day, we're--"

Umiling ako at malakas na sinuntok muli ang mukha ni Air.

"Anong sabi mo?! Ha?! Ako ang gago?! Eh tarantado ka pala eh! Sinong gago ang magdadala ng ibang babae sa condo na tinutuluyan niyo ng girlfriend mo?! Sino?!"

Ramdam kong may humawak sa balikat at braso ng sandaling iyon dahilan para hindi ko masugod si Air.

"Alam niya! Alam niyang nandoon si Yel!" Sigaw ni Air. Muli ay mukhang galit na galit siya. Pero kung galit siya ay mas galit ako. Ramdam ko ang panginginig ng buong kalamnan ko sa sobrang galit!

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora