Season 2 - 86 (Scene)

456 21 9
                                    

Third Person's POV

Last scene na ng mini movie nila Chloe, Air, Eos, Kai at Ayeka. Wala na ang mga studyante nung oras na iyon kaya naman naka-set up na lahat ng kailangan nila.

Dalawang camera ang pina-ikot ngayon ni Eos sa loob ng classroom. Hawak ni Ayeka ang isa habang si Kai ay may hawak na malaking karton para sa hangin na effect dahil ang balak nilang gawin, kapag maghahalikan na sina Air at Chloe ay liliparin ang manipis na kurtina at haharangan ang dalawa. Ang lalabas dapat sa camera ay anino lang nilang naghahalikan saka magyayakapan.

Wala sa sarili si Chloe nang sandaling iyon. Sa totoo lang ay kinakabahan siyang gawin ang eksena na iyon kasama si Air. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa sila nagkaka-ayos. Gusto niya itong kausapin pero hindi niya magawa. Sa tuwing susubukan nito ay babarahin siya ng binata o hindi naman kaya ay pagsusungitan.

Sa kabilang banda ay matamang tinititigan ni Air si Chloe. Alam niyang noong unang beses pa lang niyang makita ito ay iba na ang dating sa kanya ng dalaga at naagaw na ni Chloe ang pansin niya. Ngunit ayaw niyang mapalapit sa dalaga kaya naman kun-todo iwas ito kay Chloe. Subalit talaga namang pursigido ang dalaga na makipag-ayos sa kanya na pinangangambahan niya. Ayaw talaga niyang magkaroon ng ugnayan kay Chloe at hangga't maari ay gusto nitong layuan ang dalaga.

Ipinilig ng binata ang kanyang ulo saka bumuntong hininga. Si Eos naman na nag-aayos ng camera ay hindi naiwasang mapalingon kay Air na ngayon nga ay nakatitig sa nakatalikod na si Chloe.

Don't tell me he likes her?

Matamang tinitigan ni Eos ang bawat galaw ni Air ng sandaling iyon.

"Hoy. Ang sabi ko, si Chloe ang hindi mo pwedeng titigan, dapat ba kitang pagbawalan na tumitig din kay Air? Ano ka ba? Lalake ka bang talaga o bakla?" Pukaw ni Ayeka kay Eos kaya naman kunot noo siyang nilingon ng binata.

"What the hell are you talking about?!" Mahinang asik ni Eos kay Ayeka.

"Eh paano, kanina ka pangnakatitig kay Air!" Ani Ayeka. Pinisil naman ni Eos ang pisngi nito dahilan para titigan siya ng masama ni Ayeka. Napangiti nalang ang binata nang gawin iyon ng dalaga. Sa loob loob ni Eos ay cute si Ayeka sa tuwing naiinis o di kaya'y sinasamaan siya ng tingin nito.

"Baliw. May napansin lang ako kay Air Moon," ani Eos na nakakuha ng pansin ni Ayeka. Muling nilingon ni Eos si Air na mataman pa ring nakamasid kay Chloe. "Don't you find it weird? Na lagi niyang tinititigan si Chloe? Idagdag mo pa roon sa aksidente na nasagip niya agad si Chloe? Ang hindi ko lang maintindihan kung bakit ang sama pa rin ng pakikitungo niya kay Chloe. Doble nga iyon kaysa sa trato niya sa atin," paliwanag ni Eos kay Ayeka na dahilan para tumango tango ang dalaga at tumingin na rin kay Eos.

"Baka crush niya si Chloe," ani Ayeka.

Nagkibit balikat si Eos. "Maybe, or nacha-challege lang siya kasi may talent si Chloe. Pansin ko kasing lagi niyang sinisita lahat ng ginagawa ni Chloe. Pagalit man niyang sabihin o parang pang-i-insulto, lagi naman siyang may point. Sa kabilang banda, sinusunod naman siya ni Chloe."

"Or, crush niya lang talaga," ani Ayeka kaya naman napalingon si Eos dito. "Oh bakit? Selos ka?"

Unti unting sumilay ang nakakalokong ngiti sa labi ni Eos. "Hindi. Nandiyan ka na eh," aniya na nagpangiti naman sa dalaga.

"Ikaw ah! Pa-fall ka! Siguraduhin mo lang na sasaluhin mo ako! Bibitayin kita kapag hindi mo ako sinalo!" Banta ni Ayeka dito dahilan para matawa si Eos.

"Are you willing to wait?" Sinserong tanong ng binata kay Ayeka.

Hindi malaman ng dalaga ang mararamdaman niya nung oras na iyon. Kung titili siya ay mukhang kulang pa iyon sa sayang nararamdaman niya.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora