This Heart Belongs To YOU - 26 (Getting to Know Each Other)

828 51 7
                                    

Happy 3k views! Yay! Soo happy! ❤️❤️❤️ (*˘︶˘*).。.:*♡

💙 26

Chloe's POV

Nasa hospital kami ngayon at kausap si Doc Carlo. Ipinaliwanag niya sa akin na hindi ko naman kailangang lumiban sa klase dahil pwede naman naming gawin ang mga treatment at procedures tuwing weekends. Wala naman problema sa akin iyon kaso mababawasan lang ang pag-gala ko kasama sina Macey at Riley. Naisip kong kailangan ko na ata talagang sabihin sa kanila ang kalagayan ko para maintindihan ng mga ito ang sitwasyon na meron ko.

"Hoy! Makatingin ka naman sa asawa ko! Umayos ka Carlo! Tch!" si Papa. Tumawa naman si Doc Carlo at si Mama ng sandaling iyon.

Ang alam ko ay love rival ni Papa si Doc Carlo noong mga panahon na mag-nobyo sina Mama at Papa. Lagi nalang kasing sinisinghalan ni Papa si Doc Carlo lalo na kapag naiiwang si Mama at si Doc lang ang nag-uusap.

Akalain mo iyon?! Ang gwapo kaya ni Doc Carlo!! Yiie!!

Matapos namin doon ay nagpaalam ako kina Mama at Papa na magkikita kami ni Ake. Pumayag naman ang mga ito basta lang daw huwag akong magpapagod at alagaan ko daw ang sarili ko. Mama and Papa are staying for a month dahil sa sitwasyon ko. Kahit anong pilit ko kasi kagabi na sabihing okay lang ako ay hindi sila pumayag.

Ake calling..

"Hello?" agad na sagot ko sa tawag.

"Nasaan ka?"

"Nasa hospital pa. Bakit?"

"Tapos ka na?"

"Yep."

"Diyan na kita susunduin. Wait me okay?" sabi ni Ake sa kabilang linya saka nito iyon ibinaba.

"Bastos! Hindi pa ako nakakasagot eh!" singhal ko sa phone na hawak ko saka ako bumaling kina Mama at Papa. "Ma, Pa, dito nalang daw ako susunduin ni Ake."

"Hmm, okay. Samahan ka na namin maghintay." si Mama.

"Sigurado po kayo?" tanong ko.

"Of course. Saan pala kayo pupunta?" si Papa.

"Actually hindi ko po alam Papa. Tanungin nalang natin siya mamaya." sagot ko dito.

Ilang minuto pa ang lumipas ay nakita ko na ang kotse ni Ake na paparating. His silver Lamborghini. Pagkababa nito ng kotse ay sinalubong niya ng halik sa pisngi si Mama at yakap naman kay Papa.

Aba! Close much?

"Let's go?" yaya niya sa akin.

"Saan daw tayo pupunta tanong nina Papa." sabi ko dito.

"Park." sagot nito.

"Pa, park daw. Alis na kami." baling ko kay Papa saka ito hinalikan sa pisngi at ganoon din kay Mama.

"Ingat kayo." sigaw ni Papa.

"Opo." sigaw ko.

Nang mai-lock ko ang seat belt ay bumaling ako sa car stereo ni Ake at ini-on yun.

"Papa-music ako Ake." paalam ko dito. Hindi ko na siya hinintay na sumagot dahil inilabas ko na iPod ko at kinonek sa stereo. Ilang sandali lang ay pumaibabaw ang paborito kong kanta doon kaya naman sinabayan ko ito.

NP: Upside Down by Tori Kelly (See mutimedia)

Sinimulan kong kulitin si Ake ng sandaling iyon habang nagda-drive. Ngumingiti lang ito saka siya iiling. Humarap pa ako sa kanya at parang ginawa ang steps ng nobody, nobody like you. Yun bang itinuro turo ko siya saka ako magwi-wiggle ng mga kamay sa ere.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Место, где живут истории. Откройте их для себя