Season 2 - 119

534 26 6
                                    

Marvin's POV (Chloe Maven's Twin Bro)

Ilang araw ng hindi nagigising si Maven. Naging maayos naman daw ang operasyon pero hindi raw nila malaman kung bakit hindi pa siya nagigising.

Nasabi sa amin ni Blake ang buong nangyari sa loob ng operating room. Saglitang hindi raw tumibok ang puso ni Maven. Hindi ako makapaniwala at ganoon din si Mama at Papa. Parang isang déjà vu na naman ang nangyayari dahil ganitong ganito ang sitwasyong meron kami noong mga panahong pabalik balik sa hospital sina Mama at Papa dahil nga sa kalagayan ng kambal ko.

Ako lang ngayon ang nagbabantay kay Maven dahil umuwi na muna sina Mama at Papa. Si Alexa naman ay pinauwi ko na rin muna para makapagpahinga. Nilapitan ko si Chloe at tinabihan sa kama. May kung ano-ano pa ring tubo ang nakakabit sa kanya ng sandaling iyon. Meron pa rin siyang oxygen mask na tumutulong para mapaigi ang kanyang paghinga.

"Sissy, c'mon! Wake up already. Ini-adjust ko na ang kasal namin ni Alex dahil sa'yo." Bahagya akong tumawa saka hinawakan ang kamay niya. "O baka naman gusto mong maunang makasal? Okay lang sa'kin basta gumising ka na." Napayuko ako ng sandaling iyon. Unti unting namuo ang luha sa mga mata ko. Hindi ko matanggap na hanggang ngayon ay mararanasan pa rin ni Maven ang ganito. Ayoko siyang nakikitang ganito. Masakit para sa'kin na nahihirapan siya.

Minsan nga'y natanong ko sa sarili ko kung bakit ako ang naging malusog at hindi siya? O kaya ay parehas na lang sana kaming okay at walang sakit? Bakit kailangang paulit ulit na maghirap ang kambal ko? Bakit siya? Bakit?!

Impit na hagulhol ang pinakawalan ko ng sandaling iyon. Ramdam ko ang pangangatal ng labi ko. Taimtim akong nagdasal at hiniling na mapabuti nang tulayan si Maven.

"Please God.. H'wag niyo po munang kunin si Maven. Nakikiusap po ako.." Bulong ko.

Napaangat ako bigla ng ulo at agad na pasimpleng pinunasan ang luha ko nang marinig kong bumukas ang pinto. Nang makaayos ako ay nilingon ko iyon.

"Kumain ka na. Ako na bahala sa kanya," ani Blake. Hanggang ngayon ay hindi mo pa rin siya makikitaan ng kahit anong emosyon sa mukha niya mula nang matapos ang operasyon.

"Hindi pa ako gutom," sagot ko sa kanya saka ako bumaling muli kay Maven.

"Suit yourself," aniya saka niya tinignan ang vital signs ni Maven. Siniyasat niya rin ang maliliit na tube na nakatusok kung saan-saang parte ng katawan ng kapatid ko.

"Alam mo ba na ayaw niya na ginagawa 'yan sa kanya kapag tulog siya? Ang gusto niya ay nakikita niyang lahat ang ginagawa sa kanya," kwento ko. Nakuha ko naman ang pansin ni Blake kaya nagpatuloy ako sa pagsasalita. "Iiyak 'yan kapag nakita niya na ang doctor niya dahil nasisigurado niyang masasaktan na naman siya. Iiyak 'yan kapag sinabi ng mga nurse sa kanya na, 'Iha, be strong okay? You can do it.' Iiyak 'yan kapag nakita niya sina Mama at Papa na nahihirapan sa kalagayan niya pero nung tumuntong siya sa edad na sampu, puro ngiti na lang ang sagot niya sa amin na ipinagtaka ko. Then one day, maaga akong umuwi galing mg school no'n kaya dumiretso ako sa hospital para dalawin siya, nakita ko siyang umiiyak habang sinasabi na, she hates hospitals, she hates the nurses and the doctors, she hates needles and her treatments, but then nung tumigil siyang umiyak ang sabi niya, pero kailangan niyang mabuhay para makita niya ako, si Mama at si Papa na nakangiti."

Hindi ko na napigilan ang muling pagbagsak ng luha ko nang maalala iyon. Agad ko namang pinunasan iyon saka ako napailing. "Ang sabi ko no'n, magiging malakas ako para kay Maven at papasayahin siya. Sinabi ko sa kanyang huwag siyang magalala dahil darating ang araw na magiging masaya na siya at hindi na mararanasang masaktan pa." Tiningala ko si Blake na matamang nakatingin kay Chloe. Nakita ko ang pangingilid ng luha nito pero animong pinipigilan niya iyong bumagsak. "The she met you. Ang laki ng pagbabago ng mga ngiti niya nang makilala ka niya Blake, that's why I wanna say thank you for that."

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora