Season 2 - 88 (Amazona)

409 18 3
                                    

Chloe's POV

Matapos kong makapagdamit at makapagayos ng sarili ay dali-dali na rin akong bumaba nang maalala ang kalagayan ni Air. Pagbukas ko ng pinto ay nagsusuot na ito nung damit niya kagabi kaya naman agad kong hinablot iyon at binigyan siya ng damit na kinuha ko mula sa kwarto ni Mravin.

"Ang bilis mo namang nakapag-shower. Heto, magpalit ka. Amina iyang mga damit mo," sabi ko sa kanya sabay hablot sa damit niya. Hindi ko man lang alam kung saan nagshower ito. Basa na kasi ang buhok niya at mukhang paligo.

"I don't need that--"

"Hep hep! Shut up. Nasa bahay ka namin kaya susundin mo ang gusto ko," pigil ko sa kanya saka ako naglakad palabas ng kwarto. Bago ko pa isara ang pinto ay pumihit akong muli paharap sa kanya. "Bilisan mo, late na late na tayo!"

Dumiretso na ako sa labas ng bahay at pumasok sa loob ng kotse ni Air. Nang maka-upo ako ay inilabas ko ang phone ko saka ako nagtext kay Ake.

To Ake:

Pupuntahan kita mamaya. Sorry about last night Babybear. Keep safe. I love you.

Message sent

Sumunod na ginawa ko ay tinawagan ko si Eos.

"Hello? Damn! Chloe! Anong nangyari sayo?! Bakit hindi ka nagtext kagabi?! Hinahanap ka sa akin ni Ake. Nagpunta siya sa bahay niyo kagabi pero wala naman daw tao. Nasaan ka?!" Sunod sunod na litanya ni Eos dahilan para mapa-kunot noo ako. Masakit kaya sa tenga masigawan!

Teka, nagpunta kagabi sa bahay si Ake? Psh! Paano niya akong makikita eh nandoon kami sa guest room sa baba. Sa ilalim kasi iyon ng hagdan kaya tago.

"Sorry sorry. Papunta na ako ng school. Magpapaliwanag ako mamaya. Late na ba ako?" Tanong ko.

"No. Wala tayong klase this morning pero pumasok ka, hihintayin kita rito," aniya.

"Okay okay. See you later," sabi ko saka ko binaba ang linya.

Ini-start ko na ang sasakyan nang makita ko si Air. Agad naman 'tong pumasok sa passengers seat at hindi na nakipagtalo na ako ang magda-drive. Wow! Baka wala pa siya sa mood makipagtalo.

Agad kong pinaandar ang sasakyan at mabilis na nag-drive papuntang school. Ilang minuto lang ay nasa school na kami. Nang lingunin ko si Air ay nakahawak pa rin ito sa may seatbelt niya at para bang takot na takot.

"Sorry, kailangan natin magmadali." Sabi ko sa kanya saka ako lumabas ng sasakyan niya. "Halika na!" Yaya ko sa kanya bago ko isinara ang pinto.

Tuloy tuloy ako sa paglalakad paakyat sa classroom namin. Pagbukas ko ng pinto ay nakita ko roon sina Eos, Ayeka, Kai..

"Ake?" Bulalas ko. Patakbo naman siyang lumapit sa akin saka niya hinawakan ang balikat ko.

"Saan ka galing? Anong nangyari? Bakit--"

Natigilan sa pagsasalita si Ake nang malingon ito sa likuran ko. Lumingon din ako roon para makita kung ano ang nakita niya. Tss! Sino pala. Si Air.

"Magkasama kayo?" Tanong ni Ake habang salitan niya kaming tinitignan.

"Look, something happened yesterday. Kasama ko si Air--"

"Hey. Huwag kayong magisip ng kung ano-ano. Tinulungan niya ako kahapon," putol sa akin ni Air. "I was sick yesterday. Nasa bahay nila kami."

"Ginagago mo ba ako? Nagpunta ako sa bahay nila kagabi!" Singhal ni Ake kay Air. Halatang inis ito.

"Ake, he's telling the truth. Nandoon kami sa guest room sa baba kaya hindi mo kami nakita. Inaapoy siya ng lagnat kagabi, I'm so sorry kung hindi ko kayo nasagot. Lalo na ikaw. I'm so sorry Babybear." Hinawakan ko ang kamay ni Ake saka ko iyon bahagyang pinisil. "Huwag ka ng magalit, please?"

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora