This Heart Belongs To YOU - 40 (Boracay 4 - Boobear)

719 43 8
                                    

💙 40

Chloe's POV

Dalawang araw na ang nakalipas na hindi ako pinapansin ni Ake. Bakit kaya? Madalas ay si Faye ang kasama niya, katawanan o hindi naman ay kasama niyang mamasyal at maglakad lakad sa beach.

Anong problema ng lalaking iyon? Snob much? Oh well..

Mind playing: Wildest Dreams by Taylor Swift (multimedia)

Naglalakad ako sa dalampasigan ngayon. Mag-isa. Mataman akong nakatingin sa karagatan habang bahagyang nilalaro ang mga paa ko sa tubig na humahampas sa paa ko.

"He's so tall and handsome as hell. He's so bad but he does it so well.." Bulong ko habang nagha-hum ng kanta ni Taylor.

Malapit ng lumubog ang araw ng sandaling iyon kaya naman napayakap ako sa sarili ko at pumwesto sa gitna ng scenery na nakikita ko. I love sunrise as much as sunset. Ang hangin na tila niyayakap ka at nagpapagaan ng pakiramdam mo. Ang huni ng mga ibon na tila lumilipad papunta kung nasaan ang araw.

It's so perfect. God made everything so perfect even the sceneries that makes you gasp and smile.

..Say you'll remember me
Standing in a nice dress, staring at the sunset, babe
Red lips and rosy cheeks
Say you'll see me again even if it's just in your wildest dreams
Wildest dreams..

"Kung alam ko lang na may ganitong kagandang babae ang makikita kong nakamasid sa papalubog na araw ay kanina pa ako pumunta dito."

Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses na iyon at napangiti. Si Eos. Nakangiti ito sa akin habang unti unting naglalakad papalapit kung nasaan ako. Ilang sandali lang ay katabi ko na ito. He's wearing a sando and a beach short. Naka-crossed arms ito habang mataman na nakatingin sa akin.

"Kanina ka pa ba?" Tanong ko.

"Medyo lang naman." Nakangiting sabi niya saka siya lumingon sa papalubog na araw. Gaya niya ay ganoon na rin ang ginawa ko.

Tahimik lang kaming dalawa ng sandaling iyon at tila ninanamnam ang bawat kaganapang nangyayari ngayon. Saksi kaming dalawa ni Eos sa unti unting paglubog ng araw at pagdilim ng paligid.

"So beautiful.." Sambit ko habang naka-akap sa sarili.

"Yes. So beautiful.."

Nilingon ko si Eos ng sabihin niya iyon at nakitang nakatingin na ito sa akin. Bahagya akong tumawa at umiling.

"Thanks. Kung pinupuri mo ako." Biro ko.

"No. I was talking about the sunset." Natatawang sabi niya.

"Ah ganoon? Peste! Pahiya ako ah!" Natatawang sabi ko.

"I'm just kidding.. Of course I'm talking about you." Masuyong sabi niya saka siya naglakad papalapit sa dagat. Ilang sandali pa ay nag-alis ito ng sando at inihagis niya iyon sa akin.

"What the heck?!" Bulalas ko sabay tanggal sa mukha ko ng sando niya.

"Leave it there. Come on! Swim with me." Paanyaya nito. Kalahati na ng katawan niya ang nakasisid sa tubig ng sandaling iyon.

"No. Ang ginaw kaya." Sigaw ko. Medyo malayo na kasi ito.

"Please..." Pagsusumamo ni Eos saka ito nag-sad face pa.

He's so cute!!

I giggled.

"No." Sigaw ko ulit.

Sumunod na ginawa niya ay ang pag-ahon mula doon saka siya patakbong lumapit sa akin at yumakap. Napasinghap ako ng sandaling iyon at dahil na rin sa malamig siya ay tumayo ang balahibo ko.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora