Season 2 - 118

541 25 2
                                    

Blake's POV

Ako ang kasalukuyang humawak kay Chloe. Lahat kami na nandito ngayon sa hospital ay hindi inaasahan ang nangyari. Ayon kay Air ay hindi naman siya nagkaroon ng heart attack nitong mga nakaraang taon. Maninikip lang ang dibdib niya pero agad naman daw mawawala iyon.

A sudden heart attack without any signs and symptoms?! Are you kidding me?!

Ayon kay Doc Carlo ay baka sa function ng puso niya iyon, or maaari ring may biglaang emosyon na naramdaman si Chloe na sa tagal ng panahon ay ngayon niya lang ulit naramdaman.

Hinawakan ko ang kamay ni Chloe na ngayon ay naka-higa sa kama. Wala pa rin itong malay magmula nang dalhin ko siya rito sa hospital. Kahapon lang siya na-trnsfer dito nang dalhin ko siya sa pinakamalapit na hospital nung nasa Boracay kami.

Chloe, wake up Babebear.. Please..

Ayon sa findings ko ay biglaang humina ang pintig ng puso na Chloe na biglang bibilis saka hihinang muli kaya naman pabago bago rin ang daloy ng dugo sa kanyang puso dahilan para hindi gaanong makapag-supply ng oxygen iyon sa buong katawan niya.

Napa-angat ako ng ulo nang biglang gumalaw ang kamay ni Chloe na hinahawakan ko.

"A-Ake--" sambit niya. Mas oxygen mask kasi siya kaya hindi siya makapagsalita ng maayos.

"I'm here Chloe. Hindi kita pababayaan," nakangiting sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan sa noo.

"Anong findings?" Naghihingalong tanong niya.

"Kailangan mong maoperahan Chloe," seryosong sabi ko sa kanya.

Sa totoo lang ay ayoko ring gawin ang operasyon dahil baka hindi makayanan ng puso niya. Delikado ang nasabing operasyon dahil pang-lima pa lang si Chloe na makakaranas ng operasyon na 'yon. 3 out of 4 patients are dead.

Iyon ang kinakatakutan ko.

"Okay. When?" Aniya na ikinagulat ko.

"Chloe, delikado 'tong operasyon na 'to. Hindi. Ayoko hindi ko kaya--"

Natigilan ako nang biglang hawakan ni Chloe ang kamay ko ng sobrang higpit.

"I'll be fine. I'll be strong. Papakasalan pa kita hindi ba?" Pinilit na ngumiti ng sandaling iyon ni Chloe. Imbis na ikatuwa ko 'yon ay mas lalo akong nakaramdaman ng panlulumo.

"Are you sure about this? Paano kung hindi mo pa kaya?" Nag-aalalang tanong ko sa kanya.

"Kakayanin ko Ake. I have a lot of reasons to live. Hindi pa ako nagiging masayang muli kasama ka," nakapikit na sabi niya. "I'm tired Ake."

"Rest Chloe. We'll talk later," sabi ko sa kanya saka ko siya hinalikan so noo at tuluyan nang lumabas ng ICU.

Pagkalabas ko ay sakto namang nasalubong ko sina Tito Gavin at Tita Maddie.

"Iho, pwede pa ba kaming pumasok?" Tanong ni Tita Maddie. Umiling ako.

"Maya-maya na lang po Tita. Magpapahinga pa lang po kasi siya. The good news is, nagising na po siya," pilit kong nginitian sina Tito at Tita. Sa sobrang tuwa ng mag-asawa ay nagyakapan ang mga ito saka nila nginitian ang isa't isa. "Tita, Tito, may kailangan po kayong malaman." Seryosong sabi ko sa kanila dahilan para agad na maglaho ang masasayang ngiti sa mukha nila.

Nang makapasok kami sa office ko ay isinaman ko si Doc Carlo. Siya ang mag-o-opera kay Chloe habang ako at si Zac ang magiging assistant niya.

Pinaliwanag namin sa mga magulang ni Chloe kung gaano ka-delikado ang magiging operasyon. Nagsimulang humagulgol si Tita Maddie na nagbigay ng kirot sa puso ko. Sa totoo lang ang pinanghihinaan na rin ako ng loob pero kailangan kong maging malakas para kay Chloe.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Donde viven las historias. Descúbrelo ahora