This Heart Belongs To YOU - 49.2 (The Past 2)

560 30 4
                                    

Faye's POV (11 years old)

Ang sama sama ng loob ko kay Chloe. Hindi ko pa rin mapigilan ang umiyak. Nawalan na nga ako ng boyfriend. Nawalan pa ako ng best friend. Don't get me wrong, I really love Chloe, but Tyler.. Siya ang unang lalaking nagustuhan ko.. Ng sobra!

But I'm hurt.. I feel betrayed..

Naiiyak ko na ata lahat ng luha ko ng sandaling iyon. Ang sakit sakit isipin na magagawa iyon sa akin ni Chloe.

1 Message Received from Tyler!

Tyler: Faye.. Talk to me.. Gusto kong magpaliwanag. Maniwala ka. Minahal kita.. Pero may nararamdaman na rin ako kay Chloe.. Gusto ko lang maging honest sa iyo. Ayokong saktan ka.

Ibinato ko sa sahig ang phone ko. Hawak ang unan ko ay niyakap ko iyon saka ako napahagulgol lalo. Nasasaktan na ako ng sobra. Tama na siguro iyon. Tama na muna! Ayoko ng makinig sa paliwanag nila.

Nilandi ni Chloe si Tyler? I know Chloe. Hindi niya kayang gawin iyon.

Pero, napaka-imosibleng nagkagusto nalang ng ganun ganun si Tyler sa kanya ng walang ginagawa si Chloe!

Imposible!

"I'll get him back Chloe! Pinapangako ko iyan!" Mahinang asik ko sa kawalan.

*******

Months have passed. Hindi ko na ni minsan dinalaw o kinausap si Chloe. Hanggang ngayon ay masama pa rin ang loob ko sa kanya dahil sa ginawa niya.

"Faye.."

Nilingon ko ang tumawag sa akin at nakita ang isang Tyler na nakangiti. Patakbo itong lumapit sa akin at niyakap ako. Napakunot noo ako ng sandaling iyon at natigilan. Nagulat ako sa ginawa nito.

Huh?

"I've missed you.." Nakangiting sabi nito nang pakawalan niya ako. Sinipat niya ako ng tingin mula ulo hanggang paa. "How are you? Ang tagal na nating hindi nagkita ah."

Malamang.. Hindi ako nagpapakita sa inyo. Lalo na sa iyo! Ugh!

"Will you stop Tyler?! Wala na akong balak makipagusap sa iyo. Kaya kung pwede ba? Layuan mo na ako?!" Inis na sabi ko rito.

Hindi ko nga lang alam kung naiparating ko ng maayos. Hindi kasi ako sanay manigaw ng tao. Ang nakakaalam lang na kapag galit o naiinis na ako ay, si Chloe.

Ang alam ko gusto ko siyang bumalik pero nagkamali ako. Wala na akong balak pang kunin siya kay Chloe.

"Look.. I'm breaking up with Chloe.. Can we get back together now?" Masuyong sabi ni Tyler kaya napakunot ako ng noo.

"What are you talking about?!" Asik ko.

"I can't be with her.. Hindi ko kayang nahihirapan siya at unti unting nawawalan ng lakas dahil sa sakit niya." Malungkot na sabi nito. Imbis na kaawaan ko siya ay lumapit ako dito.

Sinampal ko nga!

"How dare you! Anong klaseng dahilan iyan Tyler?! Chloe is Chloe! At ngayong nahihirapan siya iiwanan mo siya?! You're such a stupid bastard!" Galit na bulalas ko rito.

Nahihirapan na si Chloe? Bakit? Anong nangyayari?

"Please Faye.. Come back to me.."

Niyakap ako ni Tyler ng sandaling iyon. Pilit akong nagpupumiglas pero hindi ko siya kaya dahil sadyang malakas siya. Sa di kalayuan ay nakita ko ang kambal na sina Elsa at Ella. Nang makita nilang nakatingin na ako sa kanila ay tumakbo ang mga ito. Ilang sandali ang nakalipas ay pinabayaan ko lang si Tyler na yakapin ako. Hindi ko rin naman siya kaya, anong magagawa ng maliit kong pangangatawan sa laki ng pangangatawan nito?

This Heart Belongs to YOU (Completed) Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin