This Heart Belongs To YOU - 28 (Laugh)

786 48 4
                                    

💙 28

Chloe's POV

Ako na po. Ako na po natulala sa abs ni Ake! Nakakaloka!

"Lalayo ka o sasapakin kita?!" singhal ko uli dito. Unti unti naman siyang lumayo sa akin at humagalpak sa tawa. Hawak ang tiyan nito ay patingin tingin pa siya sa akin.

"Your face! Priceless! Epic!!" sunod na sabi nito habang tumatawa. Nilapitan ko nga siya at binatukan. "Aww! Chloe!!" singhal niya.

"Tch!" inirapan ko ito saka ako bumaba ng hagdan at pinagpatuloy ang pagpapatuyo ng buhok ko gamit ang tuwalya. Gusto ko kasing si Mama ang mag-blow dry ng buhok ko ngayon.

"Ma!!" tawag ko dito ng magawi ako sa sala.

"Iha, nandito ako sa kusina." sigaw ni Mama. Dali dali naman akong naglakad para puntahan ito. Padating ko doon, she's making cookies. Hobby iyon ni Mama and I really love her cookies.

"Ayiiiiie.. Cookies.. Let me help Ma." sabi ko dito habang binabalit ang buhok ko sa tuwalya saka itinaas iyon.

"Sure iha. Oh, bakit ganyan ang suot mo? Hindi ka ba giniginaw? Saka nandiyan si Blake." si Mama.

"Keri lang po Ma. Para ko naman na siyang kapatid. Another twin brother." natatawang sabi ko.

"Not happening! Gwapo ako, ikaw? Never mind."

Napalingon kami ni Mama sa pinagmulan ng boses na iyon. Si Ake. Naka-suot na ito ng sando at short.

"Ang kapal talaga! Feeling gwapo ano po Ma?" nakangising sabi ko.

"Gwapo naman ako, di ba po Tita?" si Ake.

Tinawanan lang kami ng oras na iyon ni Mama. Kami naman ni Ake ay nag-i-staring contest nanaman. Pinagkaiba nga lang, siya nakangisi habang ako ay nagme-make face. Sa huli ay inirapan ko ito saka ako nag-shape ng mga dough para sa ibe-bake na cookies ni Mama.

"Cookies or bread Tita?" pukaw ni Ake kay Mama. Hindi ko na ito inabalang tignan dahil nag-e-enjoy na ako ng sandaling iyon gumawa ng iba't ibang shapes.

"Cookies iho. Wanna try?" si Mama.

"Sure Tita." si Ake.

Ilang sandali lang ay tatlo na kaming nasa kusina. Maya maya ay may yabag akong narinig kaya napalingon ako doon. Nakita ko si Papa na bahagyang nakauwang ang bibig at nakatingin sa akin.

"What do you think your wearing Chloe Maven Fuentabella Cavalier?!" singhal ni Papa.

Ganoon na ba talaga kalaswa ang damit ko? Short at sleeveless lang naman to ah!

"Short at sleeveless Pa?" nakangiwing sagot ko.

"Go back to you room and change that sleeveless. For Pete'sake iha. May bisita kang lalake. Mag-tshirt ka." si Papa.

What's the deal?! Ganito naman ako mag-damit sa America ah?! Bakit di niya ako pinapagalitan pag anak nina Tito Seb ang nandoon. Enebeyen!!

"Opo.." sagot ko nalang saka ako nag-hugas ng kamay at muling umakyat sa kwarto.

Pagkapalit ko ng Tshirt ay agad din akong bumaba. Natigilan ako sa pagpunta sa kusina ng marinig na tumatawa si Ake pati na rin sina Mama at Papa. He looks fine, and kinda happy. Napangiti ako ng sandaling iyon at napasandal sa may mesa.

Oo nga. Gwapo nga siya. Ang ganda ng ngiti niya, ng tawa niya. Kung alam ko lang na ganito ang dulot nina Mama at Papa kay Ake ay mas madalas ko na sana siyang dinadala dito lagi.

Mataman lang akong nakatingin sa kanya ng sandaling iyon at bawat pagtawa niya ay siyang ngiti ko.

Tammy.. Tumatawa na ang Boobear mo oh. Nakakakaloka tong bf mo ha! PMS madalas. Saan ba to pinaglihi? Sa babaeng may period?! Hay nako. Sana nandito ka pa Tammy para nakikita mong lahat to.

This Heart Belongs to YOU (Completed) Onde histórias criam vida. Descubra agora